Dagul, umiiyak na ikwinento ang kalagayan ngayon pagkatapos ng buhay sa showbiz

Hindi talaga naiiwasan ang magkaroon at makaramdam ng pananakit ng iilang parte sa ating katawan. Marahil ay dulot ng lifestyle o hindi kaya’y sa katandaan pero kahit hirap ngayon sa pagtayo at paglalakad, nananatili pa ring matibay ang puso at kalooban ng komedyanteng si Dagul.
Credit: @dagulpastrana Instagram
Sino ba sa atin ang hindi nakakakilala kay Dagul? Sa maraming taon niyang pamamalagi sa showbiz at pagbibigay ng kasiyahan sa bawat manonood, hindi kailanman naging estranghero at bago sa pandinig ang pangalan ni Dagul. Maliban sa mga pelikula kung saan ay naging kabilang siya, ilang taon din siya sa Goin’ Bulilit na opisyal lamang na natapos noong taong 2019.
Simula nang nagkaroon ng p@ndemya, hindi naman maitatanggi na sobrang daming tao at pamumuhay ang naapektuhan. Kahit na’y marami ang nag-aakala na forever ang trabaho sa mundo ng showbiz, hindi pa rin nakalagpas ang iilang celebrities sa mabilis na pagbabago at pagkawala ng opportunities. Isa na nga sa mga ito ay ang komedyanteng si Dagul na ngayon ay nagtatrabaho na lamang sa kanilang barangay bilang Head sa Command Center.
Credit: @dagulpastrana Instagram
Dahil sa nature ng kanyang profession bilang isang comedian, talagang walang-sawa si Dagul sa pagbibigay ng kasiyahan ngunit kumakailan lamang, hindi niya napigilan ang sarili na mapaluha at mag-break down nang ibinahagi niya kay Ogie Diaz ang kuwento niya ngayon matapos ang showbiz.
Credit: @dagulpastrana Instagram
Maliban sa pagkawala ng opportunities, kasalukuyan din na nahihirapan ang komedyante sa pagtayo at paglalakad dulot umano ng kanyang katandaan lalo na’t 62 taong gulang na siya ngayon.
“Kapag tumayo ako, hindi ako tumatagal. Hindi ako makakalakad, nakaupo lang. Binubuhat ako ng anak ko para pumasok sa opisina namin,” kuwento ni Dagul.
Kahit na’y nahihirapan, mas pinipili pa rin ni Dagul na magtrabaho upang may maibigay sa pamilya lalo na’t ubos na umano ang lahat ng perang naipon matapos ang ilang taon niyang pagtatrabaho bilang isang komedyante.
Credit: Ogie Diaz YouTube
“Kasi mahina na talaga. ‘Pag tumayo ako, parang nababali siya. Siguro overweight o epekto na siguro na medyo matanda ka na, mararamdaman mo,” naluluhang sabi ng komedyante.
Dahil sa sitwasyon niya ngayon, hindi napigilan ni Dagul na matanong ang sarili kung bakit pinagdadaanan umano niya ang lahat ng ito pero kahit kailan, hindi umano niya kinuwestiyon ang Panginoon.
Credit: Ogie Diaz YouTube
“Iyong nasa isip ko, ‘Ba’t ganun ‘yung nangyari sa’kin?’ Hindi ko na kayang maglakad. Mahina na ‘yung tuhod ko samantala dati, ang liksi ko. Ang bilis ko tumakbo. Ngayon, naka-wheelchair lang ako. Hindi ko na kasi kayang maglakad,” ayon sa kanya.
Kahit na’y nahihirapan, determinado at todo kayod pa rin si Dagul sa pagtatrabaho upang mabuhay ang kanyang pamilya. Isa kang inspirasyon, Dagul!