Dating aktres at singer na si Nikki Gil, may baby girl na!

Dating aktres at singer na si Nikki Gil, may baby girl na!

Abot-langit ang kasiyahang nararamdaman ngayon ni Nikki Gil nang sa wakas ay nagkaroon na rin ng baby girl ang kanilang pamilya. Muli ay nabiyayaan ang kanilang pamilya sa pagdating ng kanilang ikalawang anak na si baby Maddie. Sa matagumpay na pagsilang ni Nikki sa kanyang baby girl, masaya niyang ibinahagi ang magandang balita sa Instagram noong Linggo, October 10.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Ilang araw matapos isilang ang ikalawang anak, ipinakilala ni Nikki sa netizens ang ikalawang anak na si baby Madeline Elle o kung tawagin nila ng kanyang asawa na si BJ Albert bilang si baby Maddie.

Credit:Β @nikkigil Instagram

“Our little miss Madeline Elle arrived a few days ago πŸ₯°πŸ’• and we’re completely smitten! Thank you Lord for our sweet Maddie πŸ’•πŸ‘¨β€πŸ‘©β€πŸ‘§β€πŸ‘¦,” proud na pagpapakilala ni Mommy Nikki sa kanyang baby girl.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Sa unang larawan ay makikitang nasa labor room sila at masayang sinalubong ang pagdating ng ikalawang anak sa kanilang buhay habang sa ikalawang larawan naman ay ang close-up na larawan ni baby Maddie na talagang pinagkaguluhan ng netizens dahil sa pagiging “adorable” nito.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Sa pagdating ng bagong miyembro sa kanilang pamilya, kaagad silang nakatanggap ng mga maligayang pagbati galing sa kanilang fans, iilang kaibigan at mga kasamahan sa industriya ng showbiz.

“Congratulations!!!!!! ❀️❀️❀️” pagbati ni Anne Curtis.

Credit:Β @nikkigil Instagram

“Congratulations Nikki! ❀️😍❀️😍,” ayon kay Chesca Kramer.

“Congrats nikki!πŸ₯³πŸ’—,” komento naman ni Kaye Abad.

“Congratulations Nikki and BJ! πŸŽ‰πŸŽŠπŸ’•,” sabi ni Franco Laurel.

Credit:Β @nikkigil Instagram

“Congratulations momma!❀️” sabi naman ni Nikka Garcia.

Nagkomento at nagpahayag din ng pagbati sina Shaina Magdayao, Marian Rivera, Andi Manzano Reyes, Jackie Lou Blanco, Isabel Oli-Prats, at marami pang iba.

Ngayon na nakauwi na galing sa hospital, hands-on si Mommy Nikki sa pag-aalaga kay baby Maddie. Katuwang naman niya sa pag-aasikaso ang kanyang panganay na si Finn na ilang buwan nang pinaghahandaan ang pagtahak sa kanyang “Kuyahood”.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Sa pinakabagong post ni Nikki na talagang humaplos sa puso ng netizens, makikita ang mga larawan ni Finn na tahimik na pinagmamasdan ang kanyang kapatid na mapayapang natutulog.

Credit:Β @nikkigil Instagram

Ngayon na may lalaki at babaeng anak na, halos wala ng ibang mahihiling pa si Nikki. Wala namang duda ang netizens na mas magiging awesome pa bilang mga magulang sina Nikki at BJ sa kanilang mga anak.

Ysha Red

error: Content is protected !!