Dating aktres na si Serena Dalrymple, inulan ng maraming pagbati dahil sa kanyang ibinidang singsing sa sweet anniversary photo nila ng kanyang nobyo

Inulan ng maraming pagbati ang dating child actress na si Serena Dalrymple matapos niyang i-post kamakailan lamang sa kanyang Instagram account ang sweet photo nila ng kanyang nobyo na si Thomas Bredillet.
Credit: @sdalrymple Instagram
Sa letrato ay nagsalo sa isang matamis na halik sina Serena at ang nobyo nito. Talaga namang makikita sa ibinahaging letrato ni Serena ang tamis ng pagmamahalan nila ng kanyang nobyo.
Base naman sa caption ng post ni Serena, ipinagdiriwang nilang magkasintahan ang kanilang anibersaryo sa nasabing letrato.
Credit: @sdalrymple Instagram
“Happy anniversary! I love you forever,” sulat ni Serena sa caption ng kanyang post.
View this post on Instagram
Samantala, maliban sa matamis na halik na pinagsaluhan nila ng kanyang nobyo, marami rin ang nakapansin sa suot na singsing ni Serena sa kanyang kaliwang kamay.
Hindi nakaligtas sa mata ng mga netizen ang suot ni Serena na kumikinang na diamond ring dahil tila proud niya itong ipinakita sa kanilang letrato.
Credit: @sdalrymple Instagram
Hula ng marami, isang engagement ring ang suot na singsing ni Serena lalo na’t sa kanyang ikaapat na daliri sa kanyang kaliwang kamay matatagpuan ang singsing.
Kaya naman kahit hindi direktang sinabi ni Serena na engaged na sila ng kanyang nobyo sa kanyang post at umulan pa rin ang pagbati para sa kanya mula sa mga kaibigan niya sa showbiz.
Credit: @sdalrymple Instagram
Isa sa mga bumati kay Serena sa comment section ng kanyang post ang kapwa niya child actress na si Camille Prats at TV host na si Pauleen Luna.
Samantala, wala pang kumpirmasyon si Serena sa espekulasyon ng marami na engaged na sila ng kanyang nobyo. Matatandaang isa si Serena sa mga hindi malilimutang child actress sa Philippine showbiz industry na bumida sa napakaraming iconic Pinoy films noong 1990s hanggang taong 2010.
Credit: @sdalrymple Instagram
Nadiskubre si Serena matapos siyang lumabas sa isang commercial ng sikat na fastfood chain na “Jollibee” kung saan nag-iwan ng marka ang kanyang linyang “Isa pa, isa pang Chickenjoy!” Simula ng lumabas sa nasabing commercial ay nabigyan ng iba’t ibang proyekto sa pag-arte si Serena.
Ilan sa mga pinagbidahang pelikula ni Serena ay ang iconic 1998 film na “Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa” kung saan ay gumanap siya bilang isa sa mga anak ng aktres na si Vilma Santos na si Maya. Noong 2000 naman ay lumabas sa pelikulang “Daddy O, Baby O!” si Serena kung saan ay nakasama niya ang “King of Comedy” na si Dolphy Quizon.
Credit: @sdalrymple Instagram
Nilisan ni Serena ang showbiz nang magpokus siya sa kanyang pag-aaral noong 2004. Taong 2018 naman nang bumisita muli sa bansa si Serena para dumalo sa kasal ng kanyang kapatid.
Sa ngayon ay kasalukuyang nakabase si Serena sa New York sa Amerika base na rin sa mga ibinabahagi niyang letrato patungkol sa kanyang masayang buhay sa kanyang social media account.