Dating child star na si “Lenlen”, ganap nang isang magandang dalaga at tuloy-tuloy pa rin ang karera sa showbiz!

Dating child star na si “Lenlen”, ganap nang isang magandang dalaga at tuloy-tuloy pa rin ang karera sa showbiz!

Wala talagang imposible para sa batang may pangarap. Samahan ng determinasyon, talagang expected na malayo ang kanyang mararating katulad na lamang ng dating child star na si Isabel “Lenlen” Frial na naging successful sa industriya ng showbusiness sa napakamura niyang edad.

Credit: @isabelfrial05 Instagram

Paano nga ba ito nagawa ni Lenlen?

Sa katunayan, hindi na ito kinakailang kuwestiyunin pa dahil matagal na namang napatunayan ni Lenlen ang kanyang abilidad kung pag-arte lang naman ang pag-uusapan. Dahil sa kanyang kahusayan at effectiveness bilang isang aktres, nagkaroon siya ng napakaraming opportunities at mas nagkaroon pa siya ng maraming pagkakataon na patunayan ang sarili na talagang deserve niya ang tinatamasang fame at spotlight.

Naging parte si Lenlen sa “Tropang Potchi,” isang educational na programa noong 2009 kung saan ay nakasama niya sina Julian Trono, Ella Cruz, Bianca Umali, Lianne Valentin, Migs Cuaderno, at marami pang iba. Dahil sa ipinakita niyang galing sa pagho-host, nanalo siya sa “Best Children’s Show Host” noong ika-27 na PMPC Star Awards for Television.

Credit: @isabelfrial05 Instagram

Maliban dito, muli na namang napanood si Lenlen sa teleseryeng “Bantatay” noong taong 2010 kung saan ay bumida sina Raymart Santiago, Gelli De Belen, Renz Valerio, at Krystal Reyes.

Hindi lamang dito nagtatapos ang pagdagsa ng opportunities sa buhay at career ng batang si Lenlen dahil sa sumunod na taon ay naging kabilang din siya sa isang sports series na “Futbolilits” kasama ang kanyang kapwa child star na si Yogo Singh.

Sa parehong taon, sumabak din si Lenlen sa pelikulang “Ang Panday 2” kung saan ay nakasama niya ang iilang artista na may malalaking pangalan sa showbiz na sina Bong Revilla, Marian Rivera, Iza Calzado, Lorna Tolentino, Eddie Garcia, Alice Dixson, at marami pang iba.

Credit: @isabelfrial05 Instagram

Marahil ay isa ang “Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa” sa mga proyektong talagang hinding-hindi niya makakalimutan dahil nakasama niya dito si Barbie Forteza, isang kapwa aktres na talagang iniidolo ni Lenlen.

Taong 2014 naman nang bumida si Lenlen bilang isang kontrabida sa drama-comedy na teleseryeng “My BFF”. Taliwas man sa kanyang sweet na imahe at personalidad, nagawa naman ng aktres na patunayang kayang-kaya niyang gumanap ng kakaibang role.

Makalipas ang maraming taon, patuloy pa rin na nakikita at natutunghayan si Lenlen sa telebisyon. Sa katunayan, kabilang siya sa “Alice Bungisngis and her Wonder Walis”. Gumanap din siya bilang ang maliit na Heart Evangelista sa teleseryeng “Legacy,” at huling napanood sa “First Yaya” na pinagbidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Credit: @isabelfrial05 Instagram

Sa loob ng maraming taon niyang pananatili sa showbiz, hindi kailanman nawalan ng ningning ang kasikatan ni Lenlen na inaasahang magpapatuloy sa pagdaan ng panahon.

Ysha Red

error: Content is protected !!