Dating child star na si Tom Taus na gumanap noon bilang si “Prinsipe Cedie,” isa ng sikat na DJ ngayon!

Dating child star na si Tom Taus na gumanap noon bilang si “Prinsipe Cedie,” isa ng sikat na DJ ngayon!

Wala talagang nakakaalam sa magiging destinasyon natin sa buhay dahil kahit na’y napakaliwang ng kinabukasan ni Tom Taus o ang batang aktor na gumanap sa karakter ni “Prinsipe Cedie” sa showbiz, mas pinili pa rin niyang iwan ang kanyang showbiz career upang magkaroon ng tahimik na buhay habang pinu-pursue ang kanyang pangarap sa larangan ng music.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Sino nga ba ang nag-aakalang bigla na lamang mawawala sa showbiz si Tom Taus? Sa kabila ng positibong feedback ng publiko sa “Cedie: Ang Munting Prinsipe” noong dekada ’90, napagtanto ni Tom na hindi buhay bilang isang aktor ang gusto niya para sa sarili.

Maraming taon naman ang lumipas simula nang nilisan ni Tom ang showbiz, marami pa rin sa kanyang fans ang kuryoso sa buhay ngayon ng dating batang aktor at nang natuklasan na isa na siya ngayong DJ sa US, marami ang nagulat at nakaramdam ng paghanga sa napili niyang career.

Hindi man kumpletong nalalayo sa industriya ng showbiz, nananatili namang lowkey si Tom ngunit nagpapaabot ng kanyang damdamin at saloobin sa pamamagitan ng kanyang bawat performance.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Maliban sa pagiging DJ, isa ring sikat na drummer si Tom at palaging nagbibigay ng performance sa festivals sa ibang bansa katulad na lamang ng ULTRA Korea at ULTRA Japan. Nag-perform din siya sa Road to Ultra Philippines mula 2015 hanggang 2016.

Bukod sa kanyang performance sa iba’t-ibang festivals, isa ring DJ sa clubs sa Los Angeles at Las Vegas si Tom kung saan ay ipinapamalas niya ang kanyang “live electronic drums and dance music, creating an explosive, one kind of a DJ performance” ayon sa biography na nakasulat sa kanyang official na website.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Hindi lamang dito nagtatapos ang achievements ni Tom bilang isang sikat na DJ at talentadong drummer dahil minsan na rin siyang naimbitahan sa events nina Lady Gaga, Snoop Dogg, at kahit ni Manny Pacquiao. Kabilang din siya sa ‘concert tour’ ng iilang naglalakihang mga pangalan sa larangan ng musika katulad na lamang ni Ariana Grande sa kanyang “Honeymoon Tour,” Kygo sa kanyang “Kids in Love Tour” at sa “Unity Tour” ni David Guetta.

Credit: @antoinettetaus Instagram

Dahil sa kanyang husay at galing sa pagiging DJ, isa si Tom sa mga itinanghal na “The Best Of The Region” sa South East Asia at feautured sa DJ MAG ASEAN.

Hindi man ipinagpatuloy ang kanyang career bilang isang aktor sa lokal na industriya ng showbiz, sobrang layo naman ng narating ni Tom ngayon bilang isang DJ sa ibang bansa.

Ysha Red

error: Content is protected !!