Derek Ramsay, nagbigay ng bonggang regalo kay Ellen Adarna para sa kanilang anibersaryo

Derek Ramsay, nagbigay ng bonggang regalo kay Ellen Adarna para sa kanilang anibersaryo

“My husband is extra..” ganyan kung ilarawan ni Ellen si Derek ng magregalo ito ng enggrandeng sasakyan para sa kanilang unang anibersaryo.

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

Maagang sinurpresa ni Derek Ramsay ang asawa nitong si Ellen Adarna para sa kanilang unang anibersaryo bilang mag-asawa. Para ipagdiwang ang okasyon, Isang ‘blue Bentley car’ lang naman ang niregalo ni Derek para kay Ellen.

Nagpost ng dalawang maikising video si Derek sa kaniyang instagram. Makikita sa video ang pagbaba ng ‘luxury car’ ni Ellen sa tapat ng kanilang bahay at ang video kung saan dina-drive na niya ito. Nagiwan din ng isang ‘sweet message’ si Derek para sa asawa nitong si Ellen.

Nagpasalamat ang aktor sa labis labis na pagmamahal at kasiyahan na binibigay ng asawa nitong si Ellen sa kaniya at sa kanilang pamilya.

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

“Advanced happy anniversary to the love of my life. Thank you for giving me so much love. I’ve really found true happiness ๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜๐Ÿ˜ I love you so much!!!! So so much!!” caption nito sa post.

Hindi rin nagpahuli si Ellen sa pagpost ng bonggang regalo ng kaniyang asawa. Nagpost ito ng mga larawan ng kaniyang asawa kasama ang ‘luxury car’ sa kaniyang instagram story.

“My husband is extraโ€ฆ extra advanced. Advance happy anniversary,โ€ saad nito.

Nagsimula ang relasyon ng dalawa taong 2021. Makalipas ang isang buwan inanunsyo nila ang kanilang engagement. Ikinasal din sa parehong taon sina Derek at Ellen. Naghoneymoon ang dalawa sa bansang Africa kung saan sinama nila ang anak ni Ellen na si Elias, anak nito kay Jhon Lloyd Cruz.

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

Kinainggitan naman ng mga netizens ang regalo ni Derek kay Ellen. Mapapa ‘sana all’ ka talaga.

“Walaaa.. Im convinced na talaga. San all mareng Ellen.”

“Sana all nireregaluhan ng auto pag anniversary..”

“Ayaw ko sanang mag sana all kaso Sige na nga”

Credit:ย @maria.elena.adarna Instagram

Syempre binati rin naman sila ng mga ito:

“Wow, happy anniversary to both of you. I felt the love”

“Hapy Anniversary to my favorite couple..stay strong and inlove guys..”

Ysha Red

error: Content is protected !!