Desiree Del Valle, isinilang na ang kanilang unang anak ni Boom Labrusca!

Wala na yatang mas isasaya pa ang mag-asawang sina Desiree at Boom Labrusca sa pagsalubong sa kanilang anak na lalaki.
Credit: @deslois Instagram
Matapos ang mahigit tatlong taon simula nang sila’y ikasal, sa wakas ay sinalubong na nina Desiree at Boom ang kanilang baby boy na si Alexander Sebastian Dunham Labrusca.
Credit: @deslois Instagram
Lunes, October 4 nang ibinahagi ni Desiree sa Instagram ang magandang balita na natanggap nila ng asawa sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga maiikling videos at larawan bago at matapos niyang isilang ang anak.
Credit: @deslois Instagram
“As we welcome our bundle of Joy!” pahayag ni Desiree sa unang bahagi ng kanyang caption.
Of course, katulad ni Desiree, abot-langit din ang tuwa ni Boom. Sa tuwa, nagbahagi siya ng nakaka-touch na mensahe sa kanyang Instagram account kalakip ng larawan ng kanyang mag-ina habang makikita naman sa ikalawang larawan ang magkahawak nilang kamay ni Desiree.
Credit: @deslois Instagram
“One of the if not the longest 1hr of my life … Back home ❤🙏” pahayag ng aktor sa unang bahagi ng kanyang caption.
Sa mensahe ni Boom, labis ang kanyang pasasalamat sa asawa at binigyang-pugay ito dahil hindi umano madali ang pagdadalang-tao at magsilang ng isang baby.
“To my wife , for carrying our baby , for being strong and for being an amazing wife .. Good job mommy. Maaring anduon tayo sa kanilang tabi ngunit kailanman ay di naten malalaman ang tunay na hirap ng pagdadalang tao ❤🙏,” ayon kay Boom.
Credit: @deslois Instagram
Dagdag pa ng aktor, “team work makes the dream work. I Love you so much .”
Malaki rin ang kanyang pasasalamat sa mga doktor at nurses na nag-alaga sa kanyang mag-ina at of course, hindi rin kinalimutan ni Boom ang magpasalamat sa Panginoon sa blessing na natanggap nila ni Desiree.
Credit: @deslois Instagram
“Salamat po Ama sa gabay lahat ng ito ay itinataas kona po sa inyo Ama 🙏🙏🙏 To all the doctor’s and nurses at St. Lukes erod Maraming Maraming Salamat po sa inyong pag alaga sa aking mag ina . Walk by faith 🙏🙏🙏”
Credit: @deslois Instagram
Inulan naman ang comment section ng post ni Desiree at Boom ng mga maliligayang pagbati galing sa fans at kapwa celebrities katulad na lamang nina Ria Atayde, Mel Martinez, Lara Quigaman, Rodjun Cruz, at marami pang iba.
Credit: @deslois Instagram
Maaalalang nagkasama sa sikat na teleseryeng “Aryana” sina Desiree at Boom at matapos ang limang taong relasyon bilang magkasintahan, ikinasal sila sa California noong taong 2018.
Inaasahan naman na magiging “amazing” sila bilang Mommy at Daddy ni baby Alexander Sebastian.