Dimples Romana, inaming dalawang buwan nang hindi nakapag-workout pero patuloy pa rin sa pagpayat

Dimples Romana, inaming dalawang buwan nang hindi nakapag-workout pero patuloy pa rin sa pagpayat

Sa kaseks!han ni Dimples Romana, halos hindi makapaniwala ang netizens sa rebelasyon niyang medyo matagal na simula nang siya’y huling nakapag-workout.

Credit: @dimplesromana Instagram

Kumakailan lamang nang naging usap-usapan si Dimples Romana dahil sa kapansin-pansin niyang kaseks!han. Sa mga bagong post ng aktres sa social media, mapapansin naman talaga ang malaking pagbabago sa kanyang katawan simula nang siya’y huling nakita sa telebisyon.

Sa ilang buwang pananatili sa bahay bilang pag-iingat na rin sa lumalaganap na viru$, itinuon ng aktres ang kanyang atensyon sa pagwo-workout na nagbigay naman sa kanya ng magandang resulta.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa pagpayat ni Dimples, maraming kapwa celebrities at netizens ang humanga. May mga pagkakataon pa nga na napagkakamalan silang magkapatid ng babaeng anak dahil sa alindog ng aktres.

Miyerkules, October 6 nang nagbahagi ng mga larawan si Dimples sa Instagram kung saan ay mapapansin ang pagiging fit at sexy niya sa suot na damit.

Credit: @dimplesromana Instagram

Katulad na lamang sa pagsurpresa niya sa netizens sa pagbabalik-alindog, muli niyang ginulat ang mga ito sa rebelasyong dalawang buwan na siyang hindi nakakapag-workout dahil umano sa pagiging abala sa trabaho bilang isang aktres at pagma-manage ng negosyo.

“I have not exercised in two months 🤫😬 It was really the dietary adjustments I made that contributed to the weight loss,” pahayag ni Dimples sa kanyang caption.

Credit: @dimplesromana Instagram

Tinugunan na rin ng aktres ang matagal nang hiling ng fans at netizens. Ibabahagi niya umano sa kapwa niya mga Mommy ang nalalaman niyang “exercise routines” na naging effective para sa kanya.

“In the coming days I will share with you easy, quick exercise routines you can do while you’re working and doing tons of mommy chores like me haha para Sabay tayo 🙂,” pangako ng aktres.

Credit: @dimplesromana Instagram

Talaga namang hindi madali para sa isang Mommy ang mapagsabay ang pag-eehersisyo at paggawa ng mga gawaing-bahay kaya madalas na napapabayaan ang katawan. Sa pangunguna ni Dimples, marami na ngayon ang determinado na malaman kung ano nga ba ang sikreto ng aktres upang ma-achieve ang fit na katawan.

“When I began my lifestyle change, as in getting rid of EXTRA WEIGHT, sleeping more, stressing LESS, choosing to smile and NOT worry so much, EATING healthier, eating FOOD that ACTUALLY MAKE ME happy, narealize ko na kadalasan we push ourselves to do what others are doing Kahit hindj yun bagay sa lifestyle natin,” ayon kay Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa goal niyang mapanatiling malusog ang sariling pangagatawan, inimbitahan ng aktres ang kapwa niya Mommies na samahan siya sa kanyang journey.

Ysha Red

error: Content is protected !!