Dimples Romana, nagbahagi ng kanyang Momshie realization sa experience niya sa ikatlong anak

Totoo nga na nakakadulot ng “change of perspective” sa buhay ang pagiging isang ina at sa experiences na ating nararanasan ay palaging nadadagdagan ang ating realizations. Maliban sa pagkakakilanlan ni Dimples Romana bilang isa sa mga sikat at iconic na aktres, madalas din siyang hinahangaan ng karamihan dahil sa pagiging hands-on niya sa kanyang Momshie duties.
Credit: @dimplesromana Instagram
Ilang beses na nating nasaksihan si Dimples na gumaganap bilang kontrabida at bagama’t tunay man na kadala-dala ang kanyang pag-arte, hindi naman maipagkakaila na isa siyang mapagmahal na Mommy sa totoong buhay. Aside sa kanyang career bilang aktres, abala rin sa pagma-manage ng kanyang mga negosyo si Dimples kaya matitiyak talaga na busy siya sa araw-araw pero sa kabila ng kanyang hectic na schedule, hindi naman niya kailanman isinantabi ang pakikipag-bonding sa mga anak dahil batay sa kanyang constant na updates kung saan ay makikitang kasama niya ang mga kanyang mga chikiting, masasabi talaga na napakalaki ng kanyang pagpapahalaga sa “quality time”.
Credit: @dimplesromana Instagram
Sa isang post ng aktres sa Instagram kumakailan lamang, ibinahagi niya ang kanyang panibagong realization bilang isang Momshie sa piling ng kanyang ikatlong anak na si baby Elio. Pagkukuwento ni Dimples, natuto umano siyang maging active sa pagsasayaw at mas nag-enjoy sa fast-paced na music ‘nung dumating sa kanilang buhay ang ikalawang anak na si Alonzo na ngayon ay 7 taong gulang na pero kabaliktaran umano nito ang experience niya sa bunsong anak.
View this post on Instagram
“Giving birth to kuya #AlonzoRomeoJose 7 years ago taught me to enjoy dance, make Tiktoks and groove every morning to fast music while this other son of mine, is teaching me to slow down ,” pagbabalik-tanaw ni Dimples.
Dagdag pa niya, “My daily pocket dates with #ElioJuanManolo include classic songs, soft music and lots and lots of singing Notice how he’s also trying to sing the words with me duet eh Saka inlab na inlab sakin yaaaan Hihi”
Credit: @dimplesromana Instagram
Sa video na ibinahagi ni Dimples, mapapanood na kinakantahan niya si baby Elio ng “Someone to Watch Over Me” kung saan ay kapansin-pansin naman ang pagiging attentive nito hanggang sinabayan na nga niya sa pagkanta ang kanyang Mommy Dimples.
Bagama’t slurred at hum lamang ang nagagawa ni baby Elio, labis naman itong na-appreciate ng kanyang Mommy Dimples pati na rin ng netizens at kapwa nila celebrities na sobrang naantig sa adorable at precious na bonding moment ng mag-ina.