Dimples Romana, nagulat sa ginawa ng kanyang anak na si Alonzo nang pinagalitan niya

Dimples Romana, nagulat sa ginawa ng kanyang anak na si Alonzo nang pinagalitan niya

Bihira na lamang ngayon sa mga bata ang nakikitang nagdadasal at nakikipag-usap sa Panginoon kapag nasa kalagitnaan ng mahirap na sitwasyon kaya naman nang natunghayan ang mabuting asal ng anak ni Dimples Romana na si Alonzo habang sumasailalim ito sa ‘disciplinary action,’ magkahalong gulat at kasiyahan ang naramdaman ng netizens.

Credit: @dimplesromana Instagram

Kapag nakakagawa ng pagkakamali, natural lamang na didisiplinahin ng mga magulang ang kanilang anak ngunit karamihan sa mga ito ay nagdadabog at nagre-rebelde pa ngunit sa ibinahaging video ni Dimples sa kanyang Instagram account, makikita kung gaano kakalmado ang naging reaksyon ni Alonzo habang pinapaharap siya ng kanyang mga magulang sa dingding upang pag-isipan ng mabuti ang kanyang nagawang kasalanan.

Kuwento ni Dimples, bahagi umano ito ng pagdidisiplina nila ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee sa kanilang mga anak upang isapuso nito ang itinuturo nilang ‘moral values’.

Taliwas sa inaakala ng aktres, hindi umano nagdabog at nagalit si Alonzo at mas pinili pa nga na magdasal kaya naman ganoon na lamang siya kasurpresa sa kalmadong reaksyon ng bunsong anak.

“When you ask your child to stand in the corner as a form of disciplinary action, Tapos nakita mo imbis na magalit, magdabog, magkutkot ng paint sa wall (Gaya ko 😆) NAGDADASAL sya 🥺😆☺️🥴,” pahayag ni Dimples sa kanyang caption.

Credit: @dimplesromana Instagram

Imbes na magtampo sa kanyang mga magulang, tahimik na tinanong ni Alonzo si God kung “BAD PERSON” ba umano siya dahil sa paggawa niya ng masamang bagay kaya naman hindi napigilan ni Dimples na tanungin ang anak kung ano raw ba ang naging sagot ng Panginoon sa kanya.

“NO Alonzo, you are NOT A BAD PERSON, you just made a mistake and if you ask for forgiveness you will be forgiven. Because everyone sins everyday,” sagot umano ni God ayon kay Alonzo.

Sa ipinakitang magandang attitude ni Alonzo, talagang bumilib ang netizens at pinuri si Dimples at Boyet Ahmee sa pagiging mabuting magulang nila.

“Magaling talaga kayo na magulang ate…. 🙌🙌🙌❤️❤️❤️👏👏👏”

Credit: @dimplesromana Instagram

“You’re raising him well. Good job, mommy. ❤️❤️❤️”

“And that’s when you know you raised a very lovely child❤️❤️”

Dahil sa ipinakitang kabutihan ni Alonzo, talagang puring-puri si Dimples sa anak.

“I mean SMART boy 🥰 aaaand I love that Alonzo feels very comfortable speaking to GOD not only when he is happy but most especially when he feels sad,” ayon sa aktres.

Credit: @dimplesromana Instagram

Labis naman ang kasiyahang naramdaman ni Dimples dahil sa matagumpay nilang pagpapalaki sa anak kaya naman “good job” para sa fAHMEEly!

Ysha Red

error: Content is protected !!