Dimples Romana, proud sa panganay na si Callie sa pagpapalipad ng eroplano sa unang pagkakataon!

Dimples Romana, proud sa panganay na si Callie sa pagpapalipad ng eroplano sa unang pagkakataon!

Bawat achievement at milestones ng isang anak ay isang reflection sa kanilang parents dahil sa maayos nilang guidance at makabuluhang advices na ibinibigay ay nagbubunga sa naaayong resulta katulad na lamang ng couple na si Dimples Romana at Boyet Ahmee na abot-langit ngayon ang kasiyahan sa balitang kayang-kaya na ng kanilang unica hija na magpalipad ng eroplano mag-isa!

Credit: @dimplesromana Instagram

Responsibilidad talaga ng mga magulang na mapalaki ng maayos ang kanilang mga anak pero hindi lamang simpleng gabay at pagbibigay ng advices ang handog ni Dimples Romana at ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee sa kanilang mga chikiting dahil sinisigurado lang naman nilang naisasapuso ng mga ito ang lahat ng makabuluhang lessons na hatid nila.

Dahil sa smart na parenting ng couple, maayos talaga nilang napalaki ang kanilang mga anak lalong-lalo na ang kanilang panganay at tanging dalaga na si Callie Ahmee dahil kahit na’y malayo man sa piling nila ngayon, patuloy pa rin ito sa pagpapahanga sa kanyang mga magulang.

Malayo man sa kanyang pamilya, tila’y nagsilbi namang fuel para kay Callie ang pangungulila para mas maging determined siyang ma-achieve ang kanyang pangarap. Sa katunayan, muli na naman niyang napabilib ang kanyang parents nang matagumpay niyang napalipad ang eroplano nang walang instructor na kasama!

Credit: @dimplesromana Instagram

Sobrang proud sa milestone ng anak, deserve na deserve talaga ni Callie ng recognition kaya sa Instagram, todo talaga ang flex ng kanyang Mommy Dimples sa pagiging amazing na “student pilot” ng panganay na anak.

“To say I’m a proud momma is a total understatement for today’s family milestone as our dear student pilot Christiana Amanda Lauren Romana-Ahmee just flew the plane ON HER OWN for the first time today!!!” pahayag ng aktres kalakip ng ibinahagi niyang compilation sa kanilang VCs at ang video ni Callie na nagpapalipad ng eroplano.

Dagdag pa ng proud Momshie, “What a ROCKSTAR you are Callie!!!! Such a joy seeing you come into your own ✈️🙏🏻🥰 we’re all here for you kid! Fly high!!! 😍”

Credit: @dimplesromana Instagram

Dahil sa panibagong achievement ni Callie sa kanyang aviation journey, labis talaga ang pagpapasalamat ni Dimples sa Panginoon dahil sobrang swerte umano nila ng kanyang asawa na mabiyayaan ng mga chikiting na pinapahalagahan talaga ang lahat ng lessons na ibinibigay nila.

Congratulations sa pinakaunang flight, Callie Ahmee!

Ysha Red

error: Content is protected !!