Dimples Romana, tila bumalik sa pagkadalaga sa twinning photos nila ng kanyang anak na si Callie!

Dimples Romana, tila bumalik sa pagkadalaga sa twinning photos nila ng kanyang anak na si Callie!

Labis na kinaaliwan ng maraming netizens ang twinning photos ng mag-inang Dimples Romana at Callie Ahmee. Kamakailan lamang, ibinida ng mag-ina ang kanilang angking ganda suot ang isang “locally handmade” at customized crochet top.

Credit: @dimplesromana Instagram

Pinusuan naman ng maraming netizens ang kanilang mga nakakatuwang larawan nang ibahagi ito ni Dimples sa kanyang Instagram account. Feeling bagets si Dimples habang nagpo-pose suot ang makulay na matching outfits nilang mag-ina.

Sinabi naman ni Dimples na nagpapaalala sa kanya ng kanyang kabataan ang mga twinning outfits nila ni Callie. Talaga namang bumalik sa pagkadalaga si Dimples kahit pa parang hindi naman talaga siya tumanda dahil magpahanggang ngayon napanatili niya ang kanyang kagandahan at karisma.

Credit: @dimplesromana Instagram

Saad pa niya, “Love you ate @callieahmee Twinning with you reminds me of my youth and how to just keep letting the sunshine in.”

Samantala, bukod sa kagandahan nina Dimples at Callie, napansin din ng marami na mas s3xy at fit ang aktres ngayon. Ini-reveal naman ni Dimples na “motivation dress” niya ang suot nilang outfit na mag-ina.

Ayon pa sa kanya, maraming buwan na ang nakakaraan nang binili ni Callie ang matching top nila. Ngunit dahil hindi ito kasya sa kanya noong mga oras na iyon ay hindi pa muna niya ito masuot. Kaya naman ngayon na nasuot na niya ito, mas na-inspire umano siya sa kanyang fitness journey.

“If you follow our #TheFAhmeely you will know na si Callie talaga ang mahilig sa anything locally handmade. She bought this from @coraandcecilia and had it customized. She got these twinning outfits a few months ago pa , I think around the time I just began with my fitness and weightloss journey. Ngayon ko lang nasuot. Akala ko kasi hat at bandana top pala,” bahagi ni Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Dagdag niya, “#DimpsTips if you want to embark on the same journey , it would help to get a motivation dress or outfit. See how inspired you’ll feel when they finally fit you well. As for me, I cant keep stressing enough how I love my body through thick and thin and no matter how cliche it may sound, HAPPINESS is actually an INSIDE JOB work on the inside first before anything.”

Bumuhos naman ang papuri ng netizens para kina Dimples at Callie. Komento nila:

“Parang magkapatid lang, ang gaganda niyo po!”

Credit: @dimplesromana Instagram

“Parang mag-ate lang po kayo ate dimps!! Sana pag dalaga na rin anak ko ganyan dim kamiiii”

“Great job Dimples! You look amazing! Cute outfits!”

“So pretty!!! grabe pabata ka ng pabata ate dimps”

Ysha Red

error: Content is protected !!