Dimples Romana, todo suporta sa pagiging independent ng panganay na anak na si Callie

Dimples Romana, todo suporta sa pagiging independent ng panganay na anak na si Callie

Talagang kakaiba ang katatagan ng relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil walang kahit anong makakatumbas sa pagmamahal at suportang ibinibigay nila upang maabot lamang ng kanilang anak ang mga pangarap nito sa buhay.

Sa ilang taon na pananatili ni Dimples Romana sa mundo ng showbusiness at sa patuloy niyang pagpapamalas ng kanyang kahusayan sa acting, hindi kailanman naging bago sa pandinig ng karamihan ang pangalan ng aktres. Labis din na humahanga ang kanyang fans dahil sa bawat karakter na kanyang ginagampanan, mapa-bida man o kontrabida katulad na lamang ng iconic na karakter niya sa Kadenang Ginto bilang si Romina na talaga namang naging dahilan upang mas kinagigiliwan ito ng mga tagapagsubaybay.

Credit: @dimplesromana Instagram

Talagang kakaiba ang katatagan ng relasyon ng mga magulang sa kanilang mga anak dahil walang kahit anong makakatumbas sa pagmamahal at suportang ibinibigay nila upang maabot lamang ng kanilang anak ang mga pangarap nito sa buhay.

Ngunit maliban sa kanyang imahe bilang isang matagumpay na aktres, hands-on din si Dimples sa lahat ng reponsibilidad niya bilang asawa at Mommy sa mga anak na sina Callie at Alonzo. Kilala bilang supportive sa kanyang kapwa celebrities at matalik na kaibigan na si Angel Locsin, nananatili naman ito kahit nasa likod na ng kamera dahil talagang nakasuporta ang aktres sa lahat ng ginagawa ng kanyang panganay na anak.

Ngayon ay isa ng estudyante sa college si Callie at kasalukuyang nag-aaral sa pangarap niyang paaralan na Southern Cross University upang maging piloto ngunit dahil sa p@ndemya, online class muna siya ngayon pero soon ay kinakailangan niyang magpunta sa Australia para sa face-to-face na klase.

Credit: @dimplesromana Instagram

At dahil malalayo sila ni Callie sa isa’t isa, talagang determinado ang aktres na sanayin ang anak upang maging independent. Bilang paghahanda, binigyan nila ng kanyang asawa na si Boyet Ahmee ang anak ng sariling ‘space’.

Martes, January 18 nang ibinahagi ni Dimples sa Instagram kung paano niya sinasanay ang anak na maging independent lalo na’t mag-isa itong maninirahan habang mag-aaral sa Australia.

“Ate gets the keys to her very FIRST personal space, her own little home that she’s going to live in for a few months to practice – sleeping alone, cooking on her own, looking out for herself, cleaning up etc before she actually leaves for 🇦🇺 to live and study there ☺️,” ayon kay Dimples.

Credit: @dimplesromana Instagram

Mensahe pa ni Dimples para sa anak, “Only you can account for your happiness, so if that means we’ll have to wait here, patiently & eagerly, be away from you so you can GROW & LIVE FREELY and know how the outside world feels like, discover what beauty and kindness you can offer it, like what we said, WE’LL BE RIGHT HERE WHERE YOU WILL LEAVE US 🧁🥰”

Ayon sa aktres, kahit na gusto niyang dito na lamang mag-aral si Callie, ayaw naman niyang hadlangan ang anak sa pag-abot nito sa kanyang pangarap. Napaka-supportive Momshie talaga!

Ysha Red

error: Content is protected !!