Donasyon ng breastmilk at tulong pinansyal, bumuhos para sa na triplets na naulila ng kanilang ina

Mag-isa na lamang na itinataguyod ngayon ng amang si Joel Orbello Regal ang kanyang triplets. Matatandaang nag-viral noon sa social media ang malungkot na nangyari sa asawa ni Joel na si April Regal. Puman@w kasi ito isang araw pagkatapos niyang mailuwal ang kanilang triplets.
Credit: Joel Orbello Regal Facebook
Ayon sa kwento ni Joel, nagkaroon ng k0mplikasyon sa panganganak ang kanyang asawa. Batay naman sa d0ktor, “@cute resp!ratory fa!lure” ang ikinamat@y ng asawa ni Joel. Kaya naman maagang nawalan ng asawa si Joel habang naulila naman sa ina ang kanyang triplets.
Credit: Joel Orbello Regal Facebook
Sa kabila naman ng pagkawala ng kanyang asawa, nagpaiwang malakas at matatag si Joel para sa kanyang triplets. Ngunit dahil pawang mga sanggol pa lamang ang triplets ni Joel kaya labis na nangangailangan ang mga ito ng sustansya mula sa gatas ng isang ina. Kaya naman nanawagan ng tulong si Joel mula sa netizens o ibang mga nanay na bukas na mag-donate ng kanilang breast milk para sa kanyang triplets. Alam umano kasi ni Joel na mahalaga ang bre@stmilk para sa kalusugan at paglaki ng kanyang mga anak kaya naman umapela siya ng breast milk donation mula sa netizens.
Credit: Joel Orbello Regal Facebook
Marami namang mabubuting tao ang hindi nagdalawang-isip na ibahagi ang kanilang breast milk para sa triplets ni Joel. Biglaan nga ang pagbuhos ng donasyon para sa triplets ni Joel na labis naman niyang ipinagpapasalamat. Bukod sa donasyong gatas, nabiyayaan din ang triplets ni Joel ng iba pang materyal na bagay at tulong pinansyal.
Credit: Joel Orbello Regal Facebook
Samantala, nangungulila man sa kanyang asawa, nangako naman si Joel sa kanyang triplets at sa kanyang yumaong asawa na sa kabila ng hirap na kanyang pinagdadaanan ay mananatili siyang matatag.
“Malaki po ‘yun sakripisy0 ng asawa ko. Minahal at inaalagan po mabuti ng asawa ko ang mga anak ko no’n nasa t’yan pa lang sila. Kaya bilang tatay na lang nila, kahit mahir@p, pipilitin kung kayanin at maging matatag sa kabila ng lahat.”
Credit: Joel Orbello Regal Facebook
Malaki naman ang pasasalamat ni Joel sa magulang at mga kapatid ng kanyang namayapang asawa na katuwang niya ngayon sa pag-aalaga sa kanyang triplets.
Credit: Joel Orbello Regal Facebook
Ang sakripisyo at ipinakitang katatagan nga ni Joel bilang isang ama sa kanyang triplets ay umani ng paghanga mula sa maraming netizens.