Donita Nose, nabiyayaan muli ng isa pang “baby” na pinangalanan niyang Daniela!

Donita Nose, nabiyayaan muli ng isa pang “baby” na pinangalanan niyang Daniela!

Punong-puno ng blessings at opportunities ang taong 2022 ni Donita Nose kaya naman talagang halos wala na siyang mapagsidlan ng tuwa.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Unang buwan pa lamang ng bagong taon pero muli na namang madadagdagan ang “baby” ng komedyanteng si Donita Nose kaya naman abot-langit ang nararamdaman niyang kasiyahan habang hinihintay itong tuluyang mapasakanya.

Sa ibinahaging vlog kasama ang kanyang beshy na si Super Tekla kumakailan lamang, ibinunyag ni Donita Nose na sa wakas ay matutupad na rin ang matagal na niyang pinapangarap na isang bagong sasakyan!

“Super happy ako today kasi ‘yung isa sa mga gusto ko, makukuha ko na!” excited na sabi ni Donita Nose sa kaibigang si Tekla.

Anim na taon nang nagtitiis ang comedian sa kanyang dating sasakyan na pinangalanan niyang Daniel kaya naman naisip ni Donita Nose na tamang pagkakataon na ngayon ang makabili siya ng bagong sasakyan o kung tawagin niya bilang “baby”.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Ngunit bago umano sumapit ang mismong araw na susunduin na nila ang kanyang bagong sasakyan na isang puting Nissan Terra VL, pinag-isipan daw niya itong mabuti lalo na’t mahirap ang panahon ngayon pero dahil sa kanyang sipag at tiyaga sa nagdaang taon, sinabi ni Super Tekla na sobrang “deserve” umano ng kaibigan na magkaroon ng bagong “baby”.

“Talagang pinag-isipan ko ng maayos ‘to. Kung bibilhin ko ba, kailangan ko ba pero talagang nahihiya ako pero nakaka-proud kasi ito na ‘yung pinag-ipunan ko ng isang taon,” saad ni Donita Nose.

Sagot naman ni Super Tekla, “Pinagpaguran mo, pera mo ‘yan. Deserve mo ‘yan.”

Malaki, spacious, at napaka-grand ng bagong sasakyan ni Donita Nose kaya talagang naging mahirap para sa kanya na huwag itong i-appreciate lalo na’t isang taon niya rin itong pinag-ipunan at ngayong nabili na, excited na siyang iuwi ang kanyang Nissan Terra VL kay Daniel.

Credit: Donekla in Tandem YouTube

Katulad ng kanyang dating sasakyan, pinangalanan din ni Donita Nose ang bagong sasakyan bilang si Daniela.
Maliban sa kanyang career bilang isa sa mga sikat at kilalang komedyante sa showbiz ngayon, hinahangaan din ng karamihan si Donita Nose dahil sa pagiging matulungin niya sa kapwa. Dahil sa kanyang kasipagan sa trabaho at pagkakaroon ng mabuting puso na handang tumulong sa lahat ng pagkakataon, deserve na deserve talaga niya si Daniela.

Ysha Red

error: Content is protected !!