Donita Rose at boyfriend nito na si Felson Palad, kasal na!

Masayang ibinahagi ng aktres at TV host na si Donita Rose ang pribadong wedding ceremony nito sa kanyang singer boyfriend na si Felson Palad. Inanunsyo nito sa kanyang social media accounts ang naganap na kasalan sa isang private estate sa San Clemente, California. Kalakip ng post niya ang mga larawan ng couple sa bulubunduking tanawin at tanaw ang napaka-lawak na Pacific Ocean.
Credit: @dashofdonita Instagram
“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life, and I will dwell in the house of the LORD forever,” caption nito sa post.
Makikita rin ang isang larawan ng couple na kasama ang anak ni Donita sa dating asawa nitong si Erik Villarama na si Joshua Paul.
Pabirong pinost naman ni Felson ang isang wedding photo nila at nilagyan ng caption na “Finally. I’m no longer a virgin. It took 37 years.”
Si Felson ay isang professional Gospel singer at emcee ng labing limang tao. Meron na itong dalawang album na ni-release at active din ito sa Ministry Development of the Upper Room Presents sa Mission Viejo California.
Credit: @dashofdonita Instagram
April 2022 ng kumpirmahin ng aktres ang relasyon nito kay Felson Palad. Matapos ang isang buwan ay inanunsyo naman nila ang kanilang engagement.
Bumuhos ang masasayang pagbati sa bagong kasal na si Donita at Felson sa kanilang social media post.
“Sooooo beautiful D “What God has joined together, let no man put asunder.” congratuations,” kumento ni Jackie Forster.
Credit: @dashofdonita Instagram
“Congratulations Dee and Felson!!” pagbati ni Sunshine Cruz.
“Maligayang bati sa inyong pagiisang dibdib! Nawa’y biyayaan kayo ng panginoon ng masaya at masaganang pagsasama kahit limang taon… este habangbuhay. hehe” pabirong pagbati ni Janno Gibbs.
Hiwalay si Donita sa kanyang ex-husband na si Eric Villarama. Nagsama ang dalawa ng mahigit 13 years at nagkaroon sila ng anak, ito ay si Joshua Paul.
Credit: @dashofdonita Instagram
Lumipat ang aktres kasama ang anak nitong si Joshua Paul sa United States taong 2021. Naging corporate chef ito sa Island Pacific, isang Filipino supermarket.