Donita Rose, proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang bagong boyfriend!

Donita Rose, proud na ipinakilala sa publiko ang kanyang bagong boyfriend!

Araw-araw ay nag-uumapaw ang romance. Bagama’t nasa US man ngayon, umabot at ramdam na ramdam pa rin nating lahat ang pagmamahalan ni Donita Rose at ng kanyang boyfriend na kumakailan lamang ay ipinakilala niya sa publiko.
Matagal-tagal namang iniwan ng tuluyan ang showbiz, patuloy pa rin na updated ang fans ni Donita Rose sa bawat ganap sa kanyang buhay katulad na lamang ng pagkakaroon niya ng masaya at healthy na lovelife ngayon!

Credit: @dashofdonita Instagram

Sino nga ba ang lalaking nasa likod ng masasayang ngiti ng nag-iisang Donita Rose ngayon?

Sa post na ibinahagi ng dating aktres sa kanyang Instagram account nito lamang Marso 27, ibinunyag ni Donita Rose na may lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon na ipinakilala niya sa pangalang Felson Palad.

“I think it’s safe to say I’m seeing someone,” sulat ni Donita Rose sa kanyang caption kalakip ng larawan niya kasama ang boyfriend na nakatago sa kanyang likod at tanging mga mata lamang ang nakikita.

Credit: @dashofdonita Instagram

Dahil sa magandang balita na ito ni Donita Rose, kaagad siyang inulan ng magagandang komento at pagbati galing sa kapwa celebrities at fans.

“Wowwww!!! Girlllll!! 😍😍 I’m super happy for you,” komento ni Ruffa Gutierrez.

“You deserve nothing but the best!!!!❤️❤️❤️❤️,” sabi ni Belinda Lee.

“Kaya pala nakalabas ang red 💄 😁 Am happy for you, Dee! ❤️,” sabi naman ni Princess Punzalan.

Credit: @dashofdonita Instagram

Bagama’t marami man ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan para sa relationship ni Donita Rose at Felson, hindi pa rin nakaiwas ang couple mula sa masasamang komento galing sa bashers na kagad namang in-address ng dating aktres sa pamamagitan ng mahaba-haba at makabuluhang mensahe na ibinahagi niya sa Instagram.

“There have also been a ton of negative comments from netizens regarding articles written about us and our social media posts, some making memes and trolling on us. Yes, they have been painful for me, I’ll admit, but just know that @felsonpalad and I prayed blessings for them,” ayon kay Donita Rose.

Credit: @dashofdonita Instagram

Dagdag pa niya, “I do not live for the approval or the praises of man but I do find encouragement from the love we are receiving. Much love back at everyone. There are so many wonderful stories and bellyaching hilarious moments of us to share but for now, this is what’s most on my heart.”

Marami man ang nagba-bash at nagbibigay ng hindi kaaya-ayang mga komento tungkol sa kanila ng boyfriend, wala pa rin ang makakapigil sa wagas at tunay na pagmamahalan ni Donita Rose at Felson.

Ysha Red

error: Content is protected !!