Donny Pangilinan at mga kapatid nito, magkakasabay na grumadweyt sa kolehiyo!

Donny Pangilinan at mga kapatid nito, magkakasabay na grumadweyt sa kolehiyo!

Una nating natatagpuan ang friendship sa sarili nating mga kapatid at kahit na’y hindi talaga maiiwasan ang kulitan at alitan, mas nangingibabaw naman ang pagmamahalan katulad na lamang ng magkakapatid na Pangilinan na muli lang namang pinatunayan na mas may ico-close pa pala sila sa totoong buhay.

Credit: @donny Instagram

Marahil ay may iilan sa atin na kumbinsidong “for show” lamang ang close at sweet na relationship ng mga kilalang pamilya sa showbiz pero tila’y exception ang pamilyang Pangilinan dahil kahit nasa harap o likod man ng kamera ay masasabi talaga na natural silang close sa isa’t-isa.

Hindi na naman bago pa para sa kaalaman ng karamihan kung gaano kahirap ang buhay sa mundo ng showbiz lalong-lalo para sa isang buong pamilya na exposed sa spotlight pero sa kabila ng lahat ng ito, matagumpay naman na napalaki ng couple na si Maricel Laxa at Anthony Pangilinan ang kanilang mga anak at mapapansin naman ito sa mabuting pag-uugali ng kanilang panganay na si Donny Pangilinan na sumunod din sa naging yapak ng kanyang mga magulang sa showbiz.

Credit: @donny Instagram

Bagama’t isa naman ngayong matagumpay na aktor sa industriya ng showbiz si Donny at pare-parehong promising ang future ng kanyang mga kapatid, hindi kailanaman nabigo ang kanilang parents na paalalahanan silang magkakapatid na mahalaga ang edukasyon dahil isa ito sa mga bagay na hinding-hindi maaagaw ng iba kaya kahit busy sa sarili nilang mga career, ipinagpatuloy pa rin ni Donny, Ella, at Hannah ang kanilang pag-aaral sa College for Global Deployment sa Washington. Sa katunayan, magkasabay lang naman silang grumadweyt nito lamang at ibinahagi sa kauna-unahang pagkakataon ang balitang ipinagpatuloy pala nila ang kanilang pag-aaral dahilan kung bakit labis na nagulat ang kanilang fans pati na rin ang kapwa nila celebrities na wala talagang kamalay-malay sa pangyayaring ito.

Credit: @donny Instagram

Nito lamang nakaraan, ibinahagi ng aktor sa Instagram ang mga larawang kuha sa kanilang graduation photoshoot kasama ang kanilang professor na bumisita umano ng ilang araw sa Pilipinas.

Ayon kay Donny, napagdesisyunan umano nilang magkakapatid na ipagpatuloy ang kolehiyo ‘nung nagkaroon ng p@ndemya at kahit na’y abala man sa kanyang busy na schedule sa araw-araw, talagang natuto siyang mag-manage ng kanyang oras dahil sobrang determinado umano siyang makapagtapos ng pag-aaral.

“For those who don’t know, when the p@ndemic hit over 2 years ago, Ella, Hannah, and myself decided to complete our degrees together. And today, despite the busy schedules, many sleepless nights (and fights😂), we were able to have a joint graduation ceremony thanks to the visit of our professor, who is here in Manila for a couple of days,” kuwento ng aktor.

Credit: @donny Instagram

Sa milestone na ito ng Pangilinan sibs, pinasalamatan din ni Donny ang kanilang mga magulang dahil sa ceasless nilang paalala na gawin na ang kanyang modules at iba pang schoolworks.

“Thanks to mom and dad as well who kept telling me everyday to do my modules and papers 😬 love you both!” sweet na mensahe ni Donny sa kanyang parents na super duper proud sa achievement nilang magkakapatid.

Nanggaling man sa isang showbiz fam ang magkakapatid na Pangilinan, hindi naman kailanman naging dahilan ang kanilang kasikatan na huwag ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Imbes, ginawa pa nga nilang inspirasyon ang lahat ng meron sila ngayon upang makapagtapos at makakuha ng degree.

Ysha Red

error: Content is protected !!