Doug Kramer, aminadong mahirap para sa kanya na masaksihan ang anak na si Scarlett na natutumba at natatamaan ng kalaban sa sinalihang taekwondo tournament!

Doug Kramer, aminadong mahirap para sa kanya na masaksihan ang anak na si Scarlett na natutumba at natatamaan ng kalaban sa sinalihang taekwondo tournament!

Ramdam na ramdam talaga ng mga magulang ang bawat kasiyahan, hinagpis at kirot na pinagdadaanan ng kanilang mga anak at bagama’t gusto man natin na iiwas sila sa lahat ng mga bagay na maaaring makadulot sa kanila ng labis na sakit, may mga pagkakataon at sitwasyon naman na nakapagbibigay ito sa kanila ng growth at ito ang isa sa mga paraan na maaari silang magkaroon ng improvement kaya kahit mahirap man, matindi talaga ang pagpipigil na ginawa ni Doug Kramer sa sarili habang pinapanood niya ang anak na nakikipaglaban sa sinalihan nitong taekwondo tournament.

Credit: @dougkramer Instagram

Sa ating pagsali ng competitions, may nakikilala talaga tayong mga tao na mas advance ang skills at mas maraming experience pero imbes na panghinaan ng loob, buong lakas lang namang tinanggap ng anak ni Chesca Garcia at Doug Kramer na si Scarlett ang hamon ng kanyang opponents.

Bagama’t walang takot man na hinarap ang challenge, hindi naman napigilan ng kanyang Daddy Doug na makaramdam ng magkahalong takot at kaba para sa anak dahil sa pag-amin niyang mahirap umano para sa kanya na panoorin si Scarlett na natutumba at natatamaan ng kalaban pero nangibabaw naman ang bilib ni Doug sa anak dahil sa katapangan nito.

Credit: @dougkramer Instagram

“It was tough to watch you fall down and get hit, but every time you got up and pressed forward,” ayon kay Doug.

Ito ang kauna-unahang f2f na tournament ni Scarlett sa taekwondo pero bagama’t baguhan man sa nasabing competition, hindi naman ito naging hadlang para sa kanya na makasungkit ng silver na medalya dahilan kung bakit sobrang proud ng kanyang parents.

Super na nag-alala man habang pinapanood ang anak sa competition, bawing-bawi naman ito sa bawat pagpapakita ni Scarlett ng determinasyon sa pamamagitan ng pagpapatuloy niya sa paglaban. Tila’y namana nga niya ang dedication ng kanyang Daddy Doug sa kinahihiligang sports!

Credit: @dougkramer Instagram

Ayon kay Doug, ito pa lamang ang start sa taekwondo career ng kanilang “baby doll” kaya marami pa umano siyang kailangang pagdaanan pero ipinangako naman nila ni Chesca na present at palagi silang nakasuporta sa endeavors ni Scarlett.

Ysha Red

error: Content is protected !!