Dr. Vicki Belo, game na game at enjoy sa kanyang pagti-Tiktok!

Dr. Vicki Belo, game na game at enjoy sa kanyang pagti-Tiktok!

Napakaraming pagbabago ngayon sa mundo kaya naman marami rin ang gustong makisabay, bata man o may edad na. Kung ang akala ng karamihan ay makakaranas ng purong kasiyahan sa tuwing nakikisabay sa kung ano ang bago, kabaliktaran naman ito para kay Dr. Vicki Belo.

Credit: @victoria_belo Instagram

Marami ang gustong mas gumanda pa at ma-achieve ang glow lalo na sa mga taong kabilang sa mundo ng showbiz kaya naman talagang kilala ng karamihan ang pangalan na Dr. Vicki Belo, isang celebrity at “renowned dermatologist” na siyang takbuhan at nilalapitan ng mga artista pagdating sa mga kaalamang beauty at paano ito napapanatili.

Dahil sa pagkakakilanlan ni Dr. Belo sa industriya, naging sentro na rin siya ng atensyon sa publiko at sa tinatamo niyang fame, hindi na rin lihim pa sa karamihan ang personal niyang buhay.

Credit: @victoria_belo Instagram

Simula nang dumating ang p@ndemya, isa sa mga business na nagsara ay ang clinic ni Dr. Belo kaya naman napakarami niyang bakanteng oras dahilan kung bakit pumasok sa kanyang isip ang pagsabak sa Tiktok na siyang labis na kinagigiliwan ng karamihan ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

“Ngayon, everybody is into Tiktok already. ‘Nung nagka-p@ndemic, nagkaroon ako ng oras. Wala akong ginagawa. Sarado ang mga clinic, nakatengga lang kami dito sa bahay,” kuwento ni Dra. Belo.

Sa isang interview kasama si Ogie Diaz kumakailan lamang, napag-usapan nila ni Dr. Belo ang pagti-Tiktok kung saan ay ikinuwento niya ang naging journey niya sa nasabing platform bago tuluyang mahanap ang kanyang “niche”.

Credit: @victoria_belo Instagram

Sabay na sabay talaga si Dr. Belo sa bawat trend katulad na lamang ng pagbibihis ng iba’t-ibang damit na minsan na ring naging patok sa Tiktok. At dahil mahilig din siya sa pagsayaw, madalas itong laman ng kanyang Tiktok videos.

“No, kasi I always want to try things. I’m very curious,” sagot ni Dr. Belo nang natanong ni Ogie kung anong klaseng kasiyahan ang nabibigay ng Tiktok sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vicki Belo, M.D. (@victoria_belo)

Ngunit sa simpleng layunin ni Dr. Belo na makahanap ng kasiyahan sa pagti-Tiktok, dumagsa rin ang kanyang bashers at marami rin ang nagtaka kung may pinagdadaanan ba siya dahil hindi umano pangkaraniwan ang makita siyang sumasabak sa ganitong mga bagay.

Credit: @victoria_belo Instagram

Dahil doon, naging determinado si Dr. Belo na mahanap kung saan talaga siya nababagay at dahil sa kanyang 31 taong experience sa dermatology, naisipan niyang magbigay ng “beauty advices” sa kanyang followers.

“Nahanap ko ‘yung niche ko,” sabi ni Dr. Belo.

Hindi lamang kasiyahan ang hatid ni Dr. Vicki Belo sa Tiktok dahil nagagawan din niya ng paraan na makatulong at magbigay inspirasyon sa mga kabataan na mas bigyan pa ng halaga ang sarili.

Ysha Red

error: Content is protected !!