Dra. Vicki Belo, ibinida ang mga natanggap na regalo mula sa kanyang asawa na si Hayden Kho

Sa napakaraming regalo na natanggap ni Dra. Vicki galing sa kanyang sponsors at mga kaibigan, talagang walang makakatalo sa kasiyahan at kilig na nararamdaman niya kapag ang kanyang asawa na si Hayden Kho na ang nagbibigay sa kanya ng gifts.
Credit: Dr. Vicki Belo YouTube
Hindi man kabilang sa mundo ng entertainment, kilalang-kilala naman sa showbiz ang mag-asawang Dra. Vicki Belo, isang dermatologist at si Hayden Kho kaya naman talagang sinusubaybayan sila ng karamihan. Bilang pasilip sa iilang kaganapan sa personal nilang buhay, patuloy sa pagbibigay ng inspirasyon at good vibes ang pamilya sa kanilang YouTube channel.
Panahon ng pagbibigayan ang kapaskuhan kaya naman maraming natanggap na gifts si Dra. Vicki at dahil sa sobrang dami nito, talagang kinailangan niya ng tulong ni Andrea Brillantes.
Sa kabila ng napakaraming regalo na natanggap niya, ibinahagi ni Dra. Vicki na ang pinakamaganda umano ay ang lahat na nanggaling sa kanyang asawa.
Credit: Dr. Vicki Belo YouTube
“Of course, my best gifts are from my husband. He’s very thoughtful and sweet, and kilalang-kilala niya ‘ko,” ayon kay Dra. Vicki.
Hindi naman napigilan ng aktres na makaramdam ng kilig sa pag-aapreciate ni Dra. Vicki kay Hayden.
Nang binuksan ang ikalawang regalo, inamin ni Dra. Vicki na sobra siyang na-touch sa bag na ibinigay ng asawa sa kanya.
“This is his love for me because alam mo, when we were together, I don’t know how he did it. Siguro iniwan-iwan ako kaya pala minsan sabi niya, ‘Sige. Mag-shopping ka na ‘dun sa ibang store.’ Ako naman, ‘Bakit ako pinapaalis nito?’ Kasi ganu’n siya,” pagre-recall ni Dra. Vicki nang binili ni Hayden ang bag nang hindi niya nalalaman.
Credit: Dr. Vicki Belo YouTube
Pagkukuwento pa niya, regalo sana ito ni Hayden sa kanyang kaarawan ngayong January 25 ngunit na-pressure umano si Hayden kaya naging Christmas gift na lamang niya ito para kay Dra. Vicki.
Galing kay Hayden din ang ikatlong binuksan na regalo nina Dra. Vicki at Andrea na isang maliit na Hermes bag.
Ngunit hindi lamang bags ang tanging regalo ni Hayden para sa asawa dahil binigyan niya rin ito ng mamahaling sapatos na personal na dinisenyo ng Zaha Hadid, isang sikat na brand.
Bukod sa bags at sapatos, nakatanggap din siya ng mamahaling bracelet galing sa Tiffany and Co. at Arsham Studio.
Of course, nakatanggap man ng mamahalin at materyal na mga bagay galing kay Hayden, ang thoughts naman ng asawa ang labis na kinakiligan ni Dra. Vicki dahil talagang pinag-isipan umano niya ang regalong ibibigay para sa kanya.
Sana all!