Dream house ng pamilyang Bernardo, malapit nang matapos!

Minsan ay nagugulat na lamang talaga tayo sa tuwing napagtatanto natin na ang noo’y simpleng pangarap lamang ay unti-unti nang nagkakatotoo. Natatandaan niyo pa ba ang mga panahong ginuguhit natin sa papel ang pangarap nating bahay? Minsan, binubuhay pa nga natin ito sa ating imahinasyon at sa simpleng pag-asa na dulot ‘nun, kakaibang saya na ang ating nararamdaman pero tila’y wala pa rin ang makakapantay sa feeling kapag naisasakatuparan na ito.
Credit: @bernardokath Instagram
Sa murang edad, pinasok na ni Kathryn Bernardo ang pag-aartista kaya marami talaga sa atin ang nakasubaybay sa growth niya bilang isang phenomenal at versatile na aktres pero sa maraming taon niyang pananatili sa tuktok ng kanyang career ay aminado siyang hindi pa rin umano niya basta-bastang na-aafford ang gastos upang isakatuparan ang iilan sa kanyang mga pangarap sa buhay katulad na lamang ng pagpapatayo sa “dream house” ng pamilyang Bernardo.
Credit: @bernardokath Instagram
Matatandaang July 2019 nang ibinahagi ni Kathryn sa isang episode ng “Magandang Buhay” na isa sa kanyang mga pangarap sa buhay ay ang maipatayo ang “dream house” ng kanilang pamilya pero dahil sobrang laki ng gagastusin ay kailangan talaga niya itong pag-ipunan.
“Dream ko talaga na mapatayo ‘yung dream house namin ni Mama pero hindi kasi joke ang gagastusin tapos ang daming priorities so sabi namin, baka next year tapos patagal na siya nang patagal bago masimulan,” saad ng aktres.
Credit: @bernardokath Instagram
“Gusto ko kasi kapag nagpagtayo ng dream house, ‘yung gusto na namin, ‘yung na-eenvision ni Mama kung ano ang gusto ko… lahat sa buong family so hopefully, mag-start na ‘yung construction soon. Kayod pa.”
At talagang pinagutan ng aktres ang kanyang sinabi noong 2019 dahil kumayod talaga siya nang kumayod sa sumunod na mga taon at noong ngang 2020 nang sinimulan ang construction ng kanilang “dream house”.
Credit: @bernardokath Instagram
Sa paglipas ng mahigit tatlong taon simula nang “groundbreaking ceremony” sa Casa Bernardo, proud na ibinahagi ni Kathryn ang malaking progress nito dahil kung noo’y structure pa lamang ang naitatayo, ngayon naman ay nabubuo na ang lahat. Sa mga larawang ibinahagi niya sa Instagram, makikita ang sala, veranda pati na rin ng kanilang magiging hardin.
Sa update na ito ng aktres, marami sa kapwa niya celebrities ang na-excite dahil kahit hindi pa man tuluyang natatapos ang Casa Bernardo, guaranteed na ang magandang resulta nito lalo na’t may overlooking itong view.
Credit: @bernardokath Instagram
Inabot man ng tatlong taon bago nasimulan ang pagpapatayo ng kanilang “dream house,” abot-langit naman ngayon ang kasiyahang nararamdaman ni Kathryn Bernardo pati na rin ng kanyang buong pamilya ngayong unti-unti nang nabubuo ang Casa Bernardo.