Dream maternity photoshoot ni Angelica Panganiban, pinuri ng netizens

Ibinahagi ni Angelica ang kanyang napakagandang dream maternity shoot sa kanyang Instagram nito lamang nakaraang buwan. Matatandaan na inanunsyo ni Angelica at ng kaniyang partner na si Gregg Homan ang pagbubuntis nito noong Marso ng kasalukuyang taon. Masaya rin nilang ibinahagi sa publiko na isang baby girl ang kanilang inaabangan na maisilang ni Angelica.
Credit: @iamangelicap Instagram
Sa post ng aktres makikita ang mga larawan ng kaniyang mala-dyosang maternity shoot. Sa una niyang post, nakasakay ang aktres sa isang yate, suot ang pula at puting flowy dress, kasama ang body chain na nakapatong sa kaniyang baby bump.
Ang pangalawa naman ay ang mga larawan niya sa tabing dagat. Ang mga larawan ay kinuhanan sa Subic.
“Sails up! Happiness is on the way:)” nilagay niya sa caption.
Ayon sa aktres, ito ay ang kaniyang “dream maternity shoot” at ang kaniyang non-showbiz partner na si Gregg Homan ang organizer ng kaniyang maternity shoot. Ang anim na outfit a suot ng aktres ay inihanda para sa kanya ng sikat na stylist na si Liz Uy. Ang magagandang litrato naman ay kuha ng photographer na si Paolo Pineda.
Credit: @iamangelicap Instagram
Lubos ang pasasalamat ng aktres sa mga taong tumulong sa kanya para magawa ang kaniyang dream maternity photos.
“HAPPINES MADE OUT OF LOVE,” nilagay ng aktres sa caption, kasama ang mga pangalan ng mga taong bumuo at tumulong.
“Thank you for making my dream maternity shoot into a reality. Ang “severe” nito,” dagdag ng aktres.
Andyan naman ang mga artista na hindi napigilang ikomento ang paghanga sa maternity photos ng aktres.
Credit: @iamangelicap Instagram
“The most beautiful mermaid ever,” papuri ni Maxene Magalona.
“sobrang ganda!!!!!!” komento ng kaibigan nitong si Bea Alonzo.
“Blooming mama,” sinabi ni Bianca Gonzalez.
“Sooooo so beautiful. Your happiness radiates sis,” ani Camille Prats.
Credit: @iamangelicap Instagram
Andyan din ang mga kumento ng mga netizens.
“Ay hala, kinabog talaga lahat ng ibang maternity shoot! bonggacious!
Para kay Angelica ang pagiging ina nito ang pinakahihintay at pinakaimportanteng papel sa buhay nya.
“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang iakahihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako,” saad nito.