Edu Manzano at Cherry Pie Picache, in love ngayon sa isa’t-isa!

Edu Manzano at Cherry Pie Picache, in love ngayon sa isa’t-isa!

Dumaan man sa matinding dagok ang dati nilang relationships, hindi naman ito naging hadlang para kay Edu Manzano at Cherry Pie Picache na makahanap ng tunay na pagmamahal sa isa’t-isa.

Credit: @yescppicache Instagram

Isa lamang sina Cherry Pie at Edu sa mga couple ngayon na talagang kinakikiligan ng kanilang fans at kapwa celebrities. Marami namang pagkakataon nang sila’y nagsama noon sa iisang pelikula, pero hindi lubos akalain ng karamihan na may mamumuong pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa.

Kasalukuyan ngayong magkasama si Cherry Pie at Edu sa sikat na teleseryeng “Marry Me, Marry You” na pinagbibidahan nina Paulo Avelino, Janine Gutierrez, at Jake Ejercito at kumakailan lamang nang kinumpirma ng 66 taong gulang na aktor na may relasyon nga sila ng co-star na si Cherry Pie.

Huwebes, November 11 nang nagbahagi si Cherry Pie sa kanyang Instagram account ng mga larawang kuha sa kanilang New York Trip. Hindi naman napigilan ng netizens na mapansin ang closeness nila ni Edu sa bawat larawan dahilan kung bakit marami ang nagsimulang maghinala.

Credit: @yescppicache Instagram

Mas pinatatag pa ang suspisyon ng netizens nang nagkomento si Yam Concepcion sa mismong post ng beteranang aktres at tila ba’y nanunukso.

“@yescppicache Hahahha 😂 Ayun pag uwi namin, sumombra naman sa pansin 😂♥️ take care and stay in love!! You are glowing!!!” saad ni Yam Concepcion sa kanyang komento.

Hindi rin nagpahuli si Arci Muñoz sa panunukso dahil may pahaging din ito sa comment section ng post ni Cherry Pie sa Instagram kung saan ay naka-tag pa sa kanyang komento si Edu.

“Thanks for the great time tepie!! Kitakits sa L.A! ❤️ @realedumanzano,” komento ni Arci Muñoz.

Credit: @yescppicache Instagram

Hindi naman nagtagal nang tinuldukan na ng beteranong aktor ang kumakalat na balita at proud na inamin sa publiko na may namamagitan nga sa kanila ni Cherry Pie.

Biyernes, November 19 nang ibinahagi ng News5 ang art card na nagkukumpirma sa relationship ng dalawa sa mga “Marry Me, Marry You” cast na sina Edu Manzano at Cherry Pie Picache.

Of course, labis ang kasiyahang naramdaman ng kanilang fans dahil wala naman silang ibang hangad kung hindi ay makahanap ng tunay na pagmamahal ang kanilang iniidolo at dahil deserve naman nila pareho na maging masaya.

Wala mang kahit isang ibinahaging larawan nang magkasama ang couple sa kani-kanilang Instagram account, napagdesisyunan naman ni Edu at Cherry Pie na huwag itago ang kanilang relasyon sa kagustuhang gusto nilang mahalin ng malaya ang isa’t-isa.

Ysha Red

error: Content is protected !!