Eksena ni Regine Velasquez sa ASAP, kinaaliwan ng netizens!

Binigyan talaga ni Regine Velasquez ng justice ang pagkakakilanlan niya bilang “Asia’s Songbird” dahil talaga naman kasing nakakapukaw at nakakaantig ng damdamin ang kanyang boses. Kung noon ay palaging nagva-viral sa tuwing nagbibigay ng nakakabilib na performance o hindi kaya’y pumapatok sa publiko ang kanyang albums, ngayon naman ay naagaw ni Miss Reg ang atensyon ng karamihan dahil sa kanyang naging eksena sa “ASAP Natin ‘To!”
Credit: @reginevalcasid Instagram
Sa latest na episode ng “Asap Natin ‘To” nito lamang Linggo, muli na naman nating na-enjoy ang performance ni Regine kung saan ay kinanta niya ang orihinal na kanta nila ni Jacky Cheung na “In Love With You” kasama si Jason Dy pero sa kalagitnaan ng kanilang performance, hindi naiwasan ng netizens na mapansin ang baliktad na pagkakahawak ni Regine sa kanyang microphone na kaagad naman niyang naayos sa tamang posisyon bago ang kanyang turno sa pagkanta.
Kahit na’y ganoon, bumilib naman ang karamihan sa mabilisang response at action ni Miss Reg dahil hindi man lang na-distract o nabahala ang “Asia’s Songbird” at kumanta lamang nang parang walang nangyari.
Matapos ang successful na performance nila ni Jason Dy, kaagad naman na nagpahayag ng papuri ang netizens ngunit hindi pa rin pinalagpas ng iilan ang naging eksena ni Regine na talagang umabot pa sa Twitter.
Credit: @reginevalcasid Instagram
“ATE @reginevalcasid I LOVE YOU BUT WHY HAHAHAHA YOU’RE THE CUTEST,” tweet ng isang fan kalakip ng isang clip kung saan ay mapapnood si Regine na baliktad na nakahawak sa kanyang mic. Hindi naman nagtagal, sumali na sa kulitan si Miss Reg dahil kahit siya mismo, naaliw sa sariling eksena.
“Wala naman nakapansin diba? #ehyungbaliktadmicko wag kayo maingay ha hay,” tweet ni Regine na kaagad namang ni-retweet ng kanyang fans na walang humpay sa pagpapahayag ng kanilang kaaliwan.
Credit: @reginevalcasid Instagram
“Wala po kami nakita kasi nabulag kami mga 5 sec. Hahahahahhaa……*/kunwari wala kaming nakita ”
“kunwari wala po kaming nakita… wala po talaga ”
“Oo ate Wala po kaming nakitaaa Mahal kita Ms. Reg kahit lutang ka Hahahahhaha wabyuuu”
Credit: @reginevalcasid Instagram
Sa kabila ng insidenteng ito, hindi naman nabawasan ang kahusayag ipinamalas ni Regine Velasquez sa kanyang performance sa “ASAP Natin ‘To”. Imbes, naging highlight at mas pumatok pa nga ito ng karamihan!