Eric Fructuoso, matagumpay na nakapagtayo ng maraming negosyo gamit ang puhunang P5,000

Noong nakaraang taon, sa kasagsagan ng pagsisimula ng p@ndemya, sinimulan ng aktor na si Eric Fructuoso ang kanyang unang negosyo na cap merchandise ng kanyang pinasikat na hashtag na “Gwapings Moto” gamit ang puhunang P5,000.
Credit: Ogie Diaz YouTube
Sa isang panayam kasama ang host na si Ogie Diaz, ibinahagi ng dating “Gwapings” member kung paano niya sinimulan ang kanyang mga negosyo.
Ayon kay Eric, nagsimula ang lahat dahil sa kanyang viral na larawan kung saan makikita siyang nakasakay sa isang traysikel.
Aminado si Eric na kapos siya sa pera noong nakaraang taon dahil sa pagsasara ng ABS-CBN. Dumagdag pa na nagkaroon ng p@ndemya at nawalan siya ng trabaho. Ngunit wala umanong katotohanan na namamasada siya ng traysikel.
Credit: Ogie Diaz YouTube
Gayunpaman, isang kumpare umano niya ang nagbigay ng P20,000 bilang tulong. Nakarating daw kasi sa kanyang kumpare ang kanyang kalagayan at inakala nitong totoong namamasada siya para kumita.
Ibinahagi ni Eric na matapos niyang matanggap ang pera mula sa kaibigan, hinati niya ito. Ibinigay niya ang P10,000 sa kanyang dating asawa na ina ng kanyang apat na anak. Habang, ibinigay niya ang P5,000 sa kanyang ina dahil sa oras na iyon, nakikitira lamang siya sa kanyang ina sa Cavite.
Credit: Ogie Diaz YouTube
Ang natitirang P5,000, ay ginamit niya nga raw na puhunan para sakanyang cap merchandise business. Lumago naman daw ang kanyang negosyo sa loob lamang ng ilang buwan dahil sa mga taong tinulungan niya noon.
“Tapos ‘yung natirang P5,000, tinabi ko, pinalago ko,” ani Eric.
“Marami naman tayong napakisamahan ng mga tao lalo na nu’ng sinuportahan natin noong pandemic, lumago naman ng isa o dalawang buwan, naging six-figures,” dagdag niya.
Matapos ang kanyang matagumpay na negosyo, nagbukas muli si Eric ng isa pang negosyo na isang motorcycle shop na tinawag niyang “Gwapings Moto.”
Credit: Ogie Diaz YouTube
“Sinunod ko na ‘yung shirt, sinunod ko na ‘yung hoodies hanggang sa nagkapagpuhunan na, nakapagpatayo ako ng shop ng motor,” kwento ni Eric.
At pagkatapos ng tagumpay ng kanyang dalawang negosyo, sinimulan ni Eric ang kanyang pangarap na negosyo na isang food business na “Gwapigs Porkchop.”
Credit: Ogie Diaz YouTube
“Nu’ng natayo na ‘yun, maganda ang kita, maganda lahat doon ko naisip na ‘yung gusto kong kainan, food business kailangan matuloy na ‘to,” bahagi niya.
Dagdag niya, “Sabi ko, ‘gusto ko nang gawin kasi now is the right time.’ Kaya sinimulan ko na ‘yung Gwapigs porkchop nu’ng January (2021), eight months palang pala, gumanda.”
Sa huli, naiyak na lamang si Eric nang ikwenento niya na dahil sa kanyang mga negosyo kaya nababayaran na niya ngayon ang matrikula ng kanyang apat na anak.
Credit: Ogie Diaz YouTube
“Alam mo ‘yung hindi ako makapag-provide sa tuition…(ngayon) kinash ko lahat. ‘Yung feeling dati na wala ka, tapos ngayon maglalabas ka ng pera ang sarap lang ng feeling,” ani Eric.