Erwan Heussaff, naiyak habang ikinikwento kung paano siya naging ama sa anak nila ni Anne Curtis na si Dahlia

Kilala si Erwan Heussaff bilang isang French-Filipino food enthusiast at vlogger kung saan ay kadalasang content niya ay mga pagkain na kanyang niluluto, kalusugan at lifestyle. Kilala rin si Erwan bilang isang travel enthusiast at makikita ito sa kanyang mga social media posts.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Taong 2017 nang ikinasal si Erwan sa longtime girlfriend na si Anne Curtis. Talaga namang hinahangaan ng karamihan ang relasyon ni Erwan at Anne at hanggang ngayon ay patuloy na sinusubaybayan ng publiko.
Noong Marso ng 2020 ay nabiyayaan ng anak ang mag-asawa at pinangalanan nila itong Dahlia Amelie na ngayo’y isa sa mga tinututukan na celebrity kids ng netizens.
Credit: @annecurtissmith Instagram
Ilang buwan bago iluwal ni Anne ang unang anak nila ni Erwan ay nagpunta si Anne sa Australia upang doon manganak at nang malapit na manganak si Anne ay sumunod naman doon si Erwan.
Ilang linggo pagkatapos nasilayan ni Dahlia ang mundo ay siya namang pag-usbong ng p@ndemya na nagdulot ng maraming restr!ksyon at pagbabago sa buong mundo.
Credit: PLDTHome YouTube
Kamakailan lang ay na-feature si Erwan sa PLDT #NoDadLikeYou kung saan ibinahagi niya ang mga pinagdaanan at pakiramdam niya bilang isang ama.
Credit: PLDTHome YouTube
“For a dad, we don’t get the good or bad that comes with physical pregnancy. But when the baby came out, it was both a shock and a surprise,” saad ni Erwan.
Sa kalagitnaan ng p@ndemya ay napilitang manatili ng matagal ang mag-asawa kasama ang anak sa Australia taliwas sa naging plano. Bilang isang entrepreneur ay inamin ni Erwan na naging mahirap para sa kanyang mag-handle ng kanyang mga business sa Pilipinas gayong nasa ibang bansa siya.
Credit: PLDTHome YouTube
Ayon pa kay Erwan ay talagang nanibago siya sa sitwasyong dulot ng p@ndemya dahil mahilig siya sa mga outdoor activities.
Nang magkaroon ng anak ay gusto niyang iparamdam ang sayang dulot ng nature at ipakita ang mundo. Naging emosyonal naman si Erwan nang sinabing parang nin@kaw ang pagkakataoon na iyon kay Dahlia dahil sa kasalukuyang kinakaharap na problema ng buong mundo.
Credit: PLDTHome YouTube
“I’ve always found such peace and comfort of going out to nature and just doing things. And, you have a new baby and all you want to do is show her the world. Show her what a tree looks like. Show her what a sky looks like and that is just completely r0bbed from you.”
Credit: PLDTHome YouTube
Inalala rin ni Erwan ang pagkakataong nagbukas muli ang zoo sa Australia at namasyal ang pamilya doon. Ikinuwento niya kung gaano kasaya ang anak nang makakita ng butterflies na ayon sa kanya ay hindi naman talaga niya pinagtutuunan ng pansin noon.
“And that for me was really fatherhood is about. You get to experience the world in a whole new way,” sabi ni Erwan.