Erwan Heussaff, hinamon si Anne Curtis sa paggawa ng viral Tiktok sandwiches!

Erwan Heussaff, hinamon si Anne Curtis sa paggawa ng viral Tiktok sandwiches!

Hindi talaga naiiwasan ang challenges sa buhay pero sa pamamagitan nito, mas lumalakas ang ating loob na subukan ang sariling kakayahan upang makita kung gaano nga ba tayo ka-equipped at kumakailan lamang, muli lang namang pinatunayan ni Anne Curtis na hindi lamang siya mahusay sa pag-arte dahil kayang-kaya rin pala niya makipagsabayan sa asawa na si Erwan Heussaff sa pagluluto.

Credit: Featr YouTube

Hindi man pinasok ni Erwan Heussaff ang mundo ng pag-aartista, matagumpay naman siyang nakabuo ng sarili niyang pangalan sa pamamagitan ng kanyang skills sa pagluluto at paghahanda ng pagkain na palagi namang pumapatok sa netizens dahil sa kanyang simplified at nakakatakam na recipes. Bagama’t pareho man na abala ang showbiz couple na si Anne at Erwan sa kani-kanilang work, nakakapaglaan pa rin naman sila ng oras kasama ang isa’t-isa at ang madalas nilang ginagawa ay pagiging abala sa kusina katulad na lamang sa latest na video na ibinahagi ni Erwan sa kanyang official na food at travel channel sa Youtube na FEATR kung saan ay hinamon niya ang asawa na gumawa ng sandwiches na kasalukuyan ngayong viral sa Tiktok.

Credit: Featr YouTube

“We all spend a lot of time online, death-scrolling on Tiktok and Instagram, and from time to time, we see these recipes and we ask ourselves, “Are they actually gonna be tasty?” and we’ll be doing all the cooking. I’ll be doing the instructing and eating,” sabi ni Erwan.

Sa challenge na ito ni Erwan, walang pag-aalinlangan naman itong tinanggap ng aktres kung saan ay nagluto at gumawa siya Grinder at One Pan Grilled sandwich. At dahil sanay si Erwan sa gawaing-kusina, natural talaga na medyo mabilis siya sa pagbibigay ng instructions pero sa kabila nito, mabilis naman na nakaka-catch up si Anne. Marahil ay dahil sa matinding pagkahilig ng aktres sa paggawa ng sandwich, sobrang swift talaga niya sa ginagawa.

Nang natapos sa unang recipe, kaagad naman itong tinikman ni Erwan kung saan ay kaagad itong napa-approve sa taste pero may konting comment lamang siya at ito ay ang hindi maayos na pagkakahiwa sa lettuce.

Credit: Featr YouTube

“Not bad. At least it holds together. My only comment is that you didn’t slice the lettuce correctly,” komento ni Erwan.

Kung may komento man si Erwan sa unang sandwich na ginawa ni Anne, speechless naman siya sa taste ng ikalawang sandwich dahilan kung bakit halos mapatalon sa tuwa ang aktres.

Credit: Featr YouTube

Ibang-iba man sa kanyang “line of work” ang ginagawa, hindi naman inurungan ni Anne Curtis ang challenge ng asawa at pinatunayan nga na maliban sa kanyang talento sa pag-arte, may itinatago rin pala siyang galing sa pagluluto at paghahanda ng pagkain.

Ysha Red

error: Content is protected !!