Fail na pag-awra at pagrampa ni Isabel Oli, kinagiliwan ng mga netizen at kapwa celebrities

Sa napakaraming multi-talented na celebrity sa mundo ng showbiz, isa si Isabel Oli sa mga ito dahil hindi lamang sa larangan ng pag-arte siya magaling dahil patuloy niya rin na pinapabilib ang kanyang fans sa tuwing nagmo-modelo at rumarampa.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Sa kagandahang taglay at mabuting personalidad ni Isabel, hindi na palaisipan kung bakit nabihag niya ang puso ni John Prats, kapwa niya artista at isa ngayon sa mga director ng sikat na teleseryeng “FPJ’s: Ang Probinsyano”. Sa anim na taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Lilly Feather, Daniel Freedom, at baby Lillia Forest.
Abala man ngayon ang aktres slash model sa pag-aalaga sa kanyang pamilya, buhay na buhay pa rin ang kasikatan ni Isabel. Sa katunayan, aktibong-aktibo rin siya sa social media at kahit na’y 40 taong gulang na ay tila’y bagets na bagets pa rin!
Credit: @isabeloliprats Instagram
Katulad ng kapwa niya artista, sumasabak din si Isabel sa pagti-Tiktok at may kakaiba ring paraan sa pagbibigay ng kasiyahan at good vibes sa kanyang followers.
Sa pinakabagong post ni Isabel sa kanyang Instagram account, mapapanood ang 6-seconds niyang Tiktok video kung saan ay mapapanood siyang feel na feel na rumarampa sa hallway ng kanilang bahay.
Hindi inalintana ang masikip na lugar, nagawa pa rin ni Isabel na rumampa ngunit taliwas sa madalas na nangyayari sa actual na pangyayari kapag rumarampa sa stage, nauwi sa kapalpakan ang awra ng modelo dahil lamang sa kanyang pagbahing.
View this post on Instagram
Nakatodo ang kanyang fierce look at seryoso pa sa kanyang pagrampa, hindi inasahan ng netizens na madidisturbo si Isabel sa kanyang pagbahing. Matagal naman sa industriya ng modelling, talagang pinatunayan ni Isabel na kahit isa siyang professional ay hindi pa rin niya nakokontrol ang kanyang pagbahing.
Maliban sa fans ni Isabel, tuwang-tuwa rin ang kapwa niya celebrities sa ibinahagi niyang video. Isa na nga sa mga ito ay ang kapatid ng kanyang asawa na si Camille Prats.
Credit: @isabeloliprats Instagram
“MORE MORE MORE ❤️❤️❤️😂😂😂,” ayon kay Camille.
“Cute mo Sissy!!! ❤️❤️❤️❤️❤️” sabi naman ni Norman Balbuena o mas kilala ng karamihan bilang si Boobay.
“hahahahahahahaha!” komento ni Gretchen Ho at magkakasunod na tumatawang emoji naman kay Glaize de Castro.
Credit: @isabeloliprats Instagram
Hindi man na-achieve ang goal na ma-perfect ang kanyang awra at pagrampa, nakaramdam naman ng tuwa si Isabel sa naging resulta ng kanyang video na nauwi sa epic failure.