Fans ng KathNiel, kinilig sa sweetness ng magkasintahan sa 26th birthday celebration ni Kathryn kasama ang iba pang mga kaibigan

Fans ng KathNiel, kinilig sa sweetness ng magkasintahan sa 26th birthday celebration ni Kathryn kasama ang iba pang mga kaibigan

Kahit ilang taon ng magkasama at magkasintahan sila Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ay hindi pa din pumapalya si Daniel na ipakita ang sweetness sa kanyang nobyang si Kathryn.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Kamakailan lang ay nagdaos ng kaarawan si Kathryn kasama ng mga taong malalapit sa kanyang buhay at siyempre ay present dito ang kanyang nobyong si Daniel. Kasama din ng KathNiel sila Ria Atayde, Joshua Garcia, Alora Sasam, at John Valle.

Nabigyan naman ng update ang fans ng KathNiel sa mga kaganapan sa naging selebrasyon ni Kathryn sa pamamagitan ng mga post ng make-up artist ni Kathryn na si John.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Sa unang letrato palang ay talagang kikiligin na ang fans ng dalawa dahil sa romantic photo na inupload ni John. Sa letrato ay makikitang magkayakap ang magkasintahan habang pinapanood ang pagbaba ng araw sa napakagandang isla ng El Nido.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Bukod pa dito ay may video din na inupload si John kung saan ay maririnig na kumakanta sila ng happy birthday song habang hawak naman ni Daniel ang cake na may candle. Mapapanood sa video ang pagiging sweet ni Daniel na ilang beses hinalikan ang aktres sa kanyang pisngi.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Isa pang nagpakilig sa fans ng KathNiel ay ang surpresang pagharana ng aktor kay Kathryn habang nagdidinner ang kanilang grupo sa isla. Dito ay maririnig si Daniel na nagsasabing kakanta lamang siya ng isa. Makikita sa mukha ni Kathryn ang matamis na ngiti habang umaawit ang aktor.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Pinaguusapan din ngayong pagtungtong ni Kathryn sa edad na 26 ang kanyang naging d@ring na cover photo para sa sikat na magazine na Preview. Suot lamang ang puting 2-piece swimsuit ay makikita ang angking ganda ng aktres at ang hubog ng katawan nito. Malayo sa mga naging nakaraang mga letrato ni Kathryn ay ito ang kanyang letrato na nagpakita ng “more skin” kaya naman usap-usapan ito ngayon ng marami.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kathryn Bernardo 🐘 (@bernardokath)

Sinabi ni Kathryn sa kanyang post na , “As I turn 26, I celebrate everything that made me who I am today. I celebrate my body, which I’ve learned to fully embrace in my journey to self-love.”

Ysha Red

error: Content is protected !!