Fiance ni Andi Eigenmann na si Philmar, natupad na ang pangarap na magkaroon ng surfing school

Bibihira lamang sa atin ang may kakayahan na gawing business ang ating favorite na activity marahil ay minsan, hindi tayo nakaka-earn o hindi ito patok sa karamihan pero para kay Philmar Alipayo, naging posible ito at ngayon ay kasalukuyan niyang pinaghahandaan ang pagkakaroon ng sariling surfing school!
Credit: Happy Islanders YouTube
Super sikat si Philmar Alipayo sa larangan ng sports na surfing at makikita naman sa vlogs na ibinabahagi niya kasama ang kanyang partner na si Andi Eigenmann at mga chikiting nila kung gaano niya kamahal ang pagsu-surf. Kilala sa kanyang kahusayan, gusto niya na mas marami pa siyang ma-inspire at maturuan kaya naman matagal na niyang pangarap ang pagkakaroon ng sariling surf school na kumakailan lamang ay natupad at ngayon ay abala na nga siya sa pagco-construct.
Credit: Happy Islanders YouTube
Sa latest na vlog na ibinahagi ng Happy Islanders sa Youtube, masayang ibinahagi ni Andi ang pinagkakaabalahan nila ngayon ni Philmar at ito ay ang pagtatayo ng surf school, surf shop at snack bar na tiyak na papatok sa tourists o kahit lokal man sa Siargao!
“We are spending the morning here while waiting for Papa who’s busy there working because finally, he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop,” pahayag ni Andi habang nakikita sa video si Philmar na abala sa pagtulong sa mga taong nagtatayo ng magiging school at shop nila na papangalanan umano nilang “Kanaway”.
Credit: Happy Islanders YouTube
Maliban sa tayo’y kumikita, ano pa nga ba ang exciting na part sa pagtatayo at pagkakaroon ng sariling business? Para kay Philmar na sobrang mahilig sa pagsu-surf, tiyak na masaya siya ngayon dahil sa wakas, magagawa na rin niyang kumita habang ginagawa ang gusto niya.
Makikita sa video na malapit nang matapos ang surf school at shop kaya bago ang Semana Santa, sure si Andi na opisyal na itong magbubukas at tatanggap ng applicants. Maliban dito, magtatayo rin si Andi ng sarili niyang snack bar katabi lamang ng surf school ni Philmar.
Dahil sa kanilang itinatayong business, marami rin sa taga-Siargao ang nabigyan ng trabaho lalo na’t marami sa kanila ang nawalan ng pagkakakitaan nang nagsimula ang p@ndemya.
Samantala, makikita naman sa video kung gaano kasaya at kalaki ng ngiti ni Philmar. Kahit na’y pagod at pinagpapawisan habang nag-aassist habang itinatayo ang magiging surf school at shop, masasabi talaga na walang katumas ang kasiyahang nararamdaman niya dahil sa wakas, nagma-materialize na rin ang kanyang pangarap.