G Tongi, proud na ibinahagi sa lahat ang pagtatapos niya sa kanyang master’s degree sa Amerika

Proud ang Pinay actress na si G Tongi na ibahagi sa lahat na natapos na niya ang kanyang master’s degree program sa Antioch University sa Los Angeles, California.
@gtongi Instagram
Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Giselle ang isang maikling video ng kanilang virtual commencement ceremony kasama ang ilang masasayang graduation pictures niya. Makikita ang saya sa mukha ni Giselle habang ibinabalandra niya ang kanyang diploma.
Sa caption ng kanyang post ay inihayag ni Giselle ang kanyang kasiyahan at pasasalamat dahil sa kabila ng p@ndemya ay natapos niya ang kanyang graduate studies na Nonprofit Management.
@gtongi Instagram
Aniya, “Looking towards the horizon as I add this humbling milestone under my belt. Graduate school in a p@ndemic was certainly unexpected and challenging but somehow here we are…we made it to the finish line! Congrats to all the @antiochuniversityla graduates on our accomplishment! Am proud to be amongst you all! Salamat ( Thank You) to my family for all your love & support! #classof2021 #gradschool #certifiednonprofitprofessional”
@gtongi Instagram
Kabilang naman sina Gary Valenciano, Princess Punzalan, ZsaZsa Padilla at Margie Moran sa mga bumati kay Giselle dahil sa panibagong milestone na kanyang nakamit.
Taong 2011 nang magtapos sa kursong Communication Studies si Giselle sa University of California sa Los Angeles. Matatandaang isa si Giselle o G Tongi sa mga hinahangaang aktres, dancer, singer at host sa Pilipinas bago pa siya mag-migrate sa Amerika.
@gtongi Instagram
Nadiskubre nang siya ay 15-anyos pa lamang, kabilang si Giselle sa mga pinakaunang batch ng mga artista ng kilalang talent agency na Star Magic.
At ilan sa mga kinabibilangang palabas noon ni Giselle ay “Palibhasa Lalake”, “That’s Entertainment” at “Mulawin”. Nakilala rin si Giselle bilang VJ ng MTV Asia.
@gtongi Instagram
Sa kabila naman ng kanyang tinatamasang kasikatan sa Pilipinas ay mas pinili pa rin ni Giselle na umalis sa bansa para manirahan sa Amerika.
Noong nakaraang taon ay ibinahagi ni Giselle ang isa sa mga dahilan kung bakit siya nag-migrate sa Amerika.
Ani Giselle, “One of the many factors why I chose to move back to America during my twenties is that it was inevitable when one is showered with that kind of attention from a nation to not feel narcissistic.”
Credit: @gtongi Instagram
Ayon kay Giselle, hindi umano maiiwasan na maging ‘narcissist’ o mayabang ang isang tao dahil sa labis na kasikatan. Giit pa ni Giselle, patuloy siyang nagsisikap na patunayan na mayroon pa siyang maipagmamalaki maliban sa kanyang hitsura.
Sa ngayon ay masayang naninirahan sa Amerika si Giselle kasama ang kanyang asawang si Tim Walters at ang kanilang dalawang anak na kapwa ay malalaki na, sina Sakura Anne Marie at Kenobi Benjamin.