Gelli de Belen, puno ng kaligayahan sa pagkikita nilang muli ng kanyang mga anak sa Canada

Kaakibat ng labis na pagmamahal meron ang mga magulang para sa kanilang mga anak ay ang pangungulila kapag sila ay kailangang mawalay upang i-pursue ang sarili nilang mga pangarap sa buhay.
Credit: @gellidebelen Instagram
Kahit gaano man kagusto ng mga magulang na manatili na lamang sa kanilang tabi ang mga anak ay hindi naman nila gugustuhin na bigyan ng limitasyon ang pangarap ng mga ito. Pangungulila man ang nararamdaman kapag malayo sa piling ng parents ang kanilang mga anak, buong-puso naman ang pagkakaintindi ng couple na si Gelli de Belen at Ariel Rivera na nais ng kanilang dalawang anak na sina Joaquin at Julio na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral sa ibang bansa.
Credit: @gellidebelen Instagram
Upang maibsan ang lungkot at pangungulila ni Gelli sa kanyang dalawang binatang mga anak, bumibisita ang aktres sa Toronto, Canada. Matatandaan na Disyembre noong nakaraang taon nang huling bumisita ang couple kung saan ay magkakasama at kumpleto ang kanilang pamilya sa holidays.
View this post on Instagram
At dahil parehong celebrities at may trabahong naghihintay dito sa Pilipinas, limited lamang ang oras ng couple sa Toronto kaya kaagad din silang umuuwi ng asawa lalo na’t kabilang si Gelli sa series na “2 Good 2 Be True” na pinagbibidahan ngayon ng sikat na loveteam na Kathniel.
Credit: @gellidebelen Instagram
Matapos ang hectic niyang schedule, naisipan ni Gelli na surpresahin ang mga anak. Sa video na ibinahagi niya sa Instagram, mapapanood ang gulat at halos hindi makapaniwalang reaksyon ng kanyang “big boys” nang makita ang kanilang Mommy.
Credit: @gellidebelen Instagram
“So I decided to surprise my boys 😁 . They had no idea I was arriving in Toronto. They thought I had work and wouldn’t be able to visit this summer. Surprise!!!!” pahayag ng aktres sa kanyang caption.
Credit: @gellidebelen Instagram
At dahil matagal-tagal rin na hindi nagkita ang mag-iina, mahigpit ang naging yakapan nila. Kilala bilang isang sweet at sobrang affectionate na ina, pinaulanan ni Gelli ng mga halik sina Joaquin at Julio na bakas ang gulat at kasiyahan sa kanilang mga mukha.
Tunay nga na isang well-deserved at sweet na reunion para sa mag-iina!