Gerald Anderson galante bilang isang boyfriend; binigyan ng Rolex ang girlfriend na si Julia Barretto!

Maraming celebrity couple ang ipinagdiwang ang holiday season nang magkasama. Kabilang dito ang Kapamilya celebrity couple na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.
Credit: Marjorie Barretto YouTube
Matatandaang spotted ang magkasintahan sa mga ibinahaging litrato ng ina ni Julia na si dating TV actress Marjorie Barretto sa kanyang Instagram account kuha noong nakaraang Pasko.
At sa mga larawan, makikitang masaya at super in love sa isa’t isa sina Julia at Gerald.
Sa pinakabagong vlog naman ni Marjorie na ipinost niya noong January 9 ay mapapanood kung paano nila ipinagdiwang ang Pasko sa kanilang tahanan kasama ang kanyang mga anak at si Gerald.
Sa vlog ay makikita nga si Gerald na nag-e-enjoy habang nakikipag-bonding sa pamilya ni Julia.
Credit: Marjorie Barretto YouTube
Naging usap-usapan din sa social media ang ibinigay na Christmas gift ng aktor kay Julia na isang mamahaling relo!
Sa pagtatapos ng vlog ni Marjorie ay makikitang super excited si Julia habang binubuksan ang regalo ni Gerald para sa kanya.
Hindi alam kung ano ang nasa loob ng kahon, larawan ang gulat sa mukha ni Julia nang makita ang isang Rolex na nagkakahalaga lang naman ng libo-libong piso dito sa Pilipinas.
Nang makita ang relo ay mabilis na niyakap ni Julia si Gerald na mukhang tuwang-tuwa rin na makita ang masayang reaksyon ng kanyang girlfriend.
Credit: Marjorie Barretto YouTube
Sa vlog ay sinabi naman ni Julia na first time niyang magkaroon ng Rolex.
Talagang napaka-thoughtful ni Gerald bilang isang boyfriend dahil niregaluhan din niya ang pamilya ni Julia tulad ng nakababatang kapatid nitong si Erich na binigyan niya ng isang stuffed toy.
Ngunit tila hindi lamang si Gerald ang galante pagdating sa pagbibigay ng regalo, dahil makikita sa vlog na niregaluhan naman ni Julia ang kanyang mommy at kapatid na si Claudia ng mga magaganda at mamahaling kwintas.
Credit: Marjorie Barretto YouTube
Samantala, masaya ang fans ng Kapamilya couple na makitang masaya at komportable si Gerald kasama ang pamilya ng aktres.
Sa mga hindi nakakaalam, nagsimulang isapubliko nina Julia at Gerald ang kanilang relasyon noong March 2021.