Glaiza De Castro, ibinalita na sa publiko na kinasal na sila ng kanyang foreigner boyfriend

Glaiza De Castro, ibinalita na sa publiko na kinasal na sila ng kanyang foreigner boyfriend

May mga tao talaga na nakakahanap ng pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at kahit na’y hindi naman parte sa original na planong makahanap ng pagmamahal, sino nga ba naman si Glaiza De Castro upang pigilan ang pana ni Kupido?

Credit: @glaizaredux Instagram

Nang inanunsyo sa publiko na kasal na pala si Glaiza De Castro sa kanyang fiance na si David Rainey na isang Irish businessman, ibinahagi rin ng Kapuso aktres ang kuwento at proseso ng kanilang pagmamahalan sa pamamagitan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Dahil sa sunod-sunod at sobrang daming proyekto ng aktres noong taong 2018, aminado si Glaiza na na-burn out umano siya kaya nagbakasyon siya sa Siargao upang mag-recharge at makahanap ng “peace of mind” pero hindi lamang ito ang natagpuan niya sa isla dahil nakilala umano niya si David, ang asawa niya ngayon.

Credit: @glaizaredux Instagram

Ibinunyag na sobrang mahilig at may crush noon sa “Western boybands,” hindi napigilan ng aktres na mamangha sa paraan ng tadhana dahil isa palang Irish ang lalaking mamahalin niya!

“Sobrang ganda siya. I was just blown away. It just felt right. We have so much in common,” ayon kay David.

Credit: @glaizaredux Instagram

Nang niligawan ni David si Glaiza, hindi naiwasan ng aktres na mabahala at mag-alinlangan dahil na rin sa bigong pag-ibig na naranasan ng iilan niyang mga kamag-anak sa foreigners pero talagang nagwagi pa rin ang nararamdaman ni Glaiza para kay David at kalaunan ay naging couple nga sila!

Hindi naman nagtagal nang dumating ang panahon na kinakailangan ni David na bumalik sa Ireland pero imbes na magkalabuan na madalas na nangyayari kapag malayo sa isa’t-isa, nag-work naman para kay Glaiza at David ang LDR dahil sa constant nilang komunikasyon at notebook kung saan nila sinusulatan ang isa’t-isa.

Credit: @glaizaredux Instagram

Sa ilang taon nilang relationship, nag-propose na rin si David noong December 2020 na kaagad namang sinagot ng aktres ng kanyang matamis na “Yes!”

Plano umano ng couple na sa Pilipinas magpakasal pero dahil sa p@ndemya at mahigpit na pagbabawal ng bansa noong nakaraang taon dahilan kung bakit nahirapan si David na magpunta dito, si Glaiza na mismo ang nagpunta sa Ireland at doon idinaos ang kanilang simpleng wedding.

“We just want to announce that we’re married!” magkasabay na anunsyo ni Mr. David Rainey at Mrs. Glaiza De Castro-Rainey sa KMJS.

Credit: @glaizaredux Instagram

Sino nga ba ang mag-aakala na sa pagpunta ni Glaiza sa Siargao upang makapag-unwind at makapag-relax ay magiging daan pala upang ma-meet niya ang lalaking nakatadhanang makakasama niya sa panghabang buhay? Nakakahanga talaga ang paraan ng tadhana!

Ysha Red

error: Content is protected !!