“Glam up transformation” ni Dr. Vicky Belo, pinagusapan online pati ng mga sikat na personalidad!

Matalik na kaibigan ni Dr. Vicky Belo and Dutch-American TV personality na si Yolanda Hadid. Siya rin ang celebrity mom ng supermodel sisters na sina Bela Hadid at Gigi Hadid.
Credit: @victoria_belo Instagram
Kamakailan ay nagpost ang Celebrity doctor na si Dr. Vicky Belo ng video ng kaniyang ‘glam up transformation’ sa instagram account nito.
“off to do some dishes… 😜 see you soon #vouguephilippines!” caption nito.
Makikita sa video ang pagindak nito sa awit ni Beyonce na Break My Soul. ‘Brave and proud’ nitong pinakita ang kaniyang ‘no make up look’ habang nakasuot ng bathrobe. Sa dulong parte ng video ay nagbago ito ng ‘glam up look’ kung saan may make up na ito at suot ang glamorosong itim na gown. Ang kaniyang ‘glammed up look’ ay para sa isang fashion magazine event ng Vogue Philippines noong August 28, 2022.
View this post on Instagram
Umagaw sa atensyon ni Yolanda Hadid ang video nito. Hinangaan nito ang ganda Vicky.
“❤You, look gorgeous, wow,” kumento nito.
Credit: @victoria_belo Instagram
Nagsimula ang pagiging magkaibigan ni Vicky at Yolanda noong hindi pa modelo ang anak ni Yolanda na si Gigi. Makikita rin sa isang instagram post nito ang ala-ala ng kanilang pagiging magkaibigan. Makikita sa larawan ang dalawa kasama ang Canadian Musician na si David Foster and ang anak ni Yolanda na si Gigi Hadid. Aniya, naging guest siya ni Yolanda at David sa kanialng tirahan sa Los Angeles.
“Looking through old photos and saw this, who knew 6 years ago when I was a guest of @yolanda.hadid and @davidfoster in their LA home that @gigihadid would be a top #supermodel,” aniya.
Credit: @victoria_belo Instagram
Ang magkabigan ay nagkita muli taong 2020 sa Milan Fashion Week event.
Agaw atensyon din ang video sa mga netizens at mga artista. Kinagiliwan at hinangaan ng mga ito ang kanyang ‘no make up look to glam up look’ video.
“with or without make up, I like it! Brave and proud ❤️”
“Gold and still gorgeous😍❤️”
Credit: @victoria_belo Instagram
“Grabe. Mukhang bata ka pala pag walang make up. Parang college student lang.”
“Love that bare face 😍”
“love this! always happy and positive vibes of dra. vicky.”
Pinatunayan ni Dr. Vicki Belo na tunay ngang ‘age is just a number’. Ang viral video nito ngayon ay umabot na sa million views at mahigit na 70 thousands likes sa Instagram. Meron na rin itong mahigit kumulang na 2k comments.