Glamorosong look ni Ritz Azul sa ikalawang wedding sa Palawan, naging usap-usapan online!

Glamorosong look ni Ritz Azul sa ikalawang wedding sa Palawan, naging usap-usapan online!

Kailan ba tayo binigong mapamangha sa angking kagandahan ni Ritz Azul?

Credit: @ritzazul Instagram

Kung kadalasan sa mga kababaihan ay mahilig magsuot ng make-up, taliwas naman ito sa kagustuhan ni Ritz dahilan kung bakit mas na-appreciate pa ng kanyang fans ang natural niyang kagandahan kaya naman kapag nakikitang may make-up, labis ang paghangang nararamdaman ng karamihan dahil talaga naman kasing breathtaking ang kanyang beauty!

Nasisilayan lamang ang kagandahan sa telebisyon, hindi mapigilan ng kanyang fans ang makuryoso kung ano nga ba ang magiging look ni Ritz kapag nasa labas ng showbiz at kumakailan lamang nang nagkaroon ng pagkakataon ang publiko na masilayan ang kanyang kagandahan sa mismong seremonya ng kanyang kasal!

Dati nang maganda, mas lalo pang napansin ng netizens ang glowing at glamorosong look ni Ritz sa kanyang wedding na ginanap nila sa Baguio noong nakaraang buwan at nito lamang December sa Palawan.

Credit: @ritzazul Instagram

Kung nagsusumigaw ng elegance ang kanyang look sa unang kasal na ginanap sa Baguio, ngayon naman ay talagang bagay na bagay ang look ni Ritz sa beach wedding nila ni Allan Guy sa Palawan.

Suot ang gown na dinisenyo ni Mak Tumang na inspired umano sa drapings ni Madame Gres’ at isang puting “sheer tulle gown” na may fade effect na kulay pink, talagang nagmukhang goddess ang aktres!

“We want it casual and and use breathable fabrics,” sinabi ni Cath Sobrevega, isang sikat na stylist, sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ritz Alzul-Guy (@ritzazul)

Ayon naman sa make-up artist ni Ritz na si Nikki Duque, nakakuha umano siya ng inspirasyon galing sa gown ng aktres at matagumpay na nakamit ang sinasabi niyang “cohesive look”.

Dagdag pa niya, “Since we’re on the beach, I want to show her bare skin and not cover her freckles and beauty marks. Subtle and not overly done and for the lips, it’s nudish old rose with a sheer gloss to match her glowing morena skin.”

Of course, maingat rin na pinag-isipan ni Mark Rosales ang buhok ni Ritz.

Credit: @ritzazul Instagram

“Since it waws formal during the Baguio wedding, we want it to be more of her. We did a natural, casual, and laidback look. To elevate it and match the flowy gown, I added a simple hair twisting in a half ponytail,” saad ng hairstylist ni Ritz.

Ayon sa aktres, “celebration” lang umano ng pag-iisang dibdib nila ni Allan ang ginawang ikalawang wedding nila sa Coron, Palawan pero labis pa rin ang kanilang paghahanda at engrande nga ang kinalabasan nito.

Na-achieve ang gustong look, talagang naramdaman ni Ritz na special siya sa mismong araw ng isa sa mga importang event sa buo niyang buhay!

Ysha Red

error: Content is protected !!