Groundbreaking Ceremony para sa “dream house” ni Drew Arellano at Iya Villania, ipinasilip!

Groundbreaking Ceremony para sa “dream house” ni Drew Arellano at Iya Villania, ipinasilip!

Ano nga ba ang pangarap na maibigay ng mga magulang para sa kanilang pamilya?

Credit: @iyavillania Instagram

Marami man ang maaaring sumagot ng sapat na pera upang ipangtustos sa pangangailangan ng mga anak, magagandang damit, at marami pang iba, talagang ang unang bagay na gustong maibigay ng isang magulang para sa kanilang pamilya ay bahay na siyang magsisilbing tahanan ng pagmamahal na bubuo at magpapatatag sa foundation ng kanilang relasyon bilang isang pamilya.

Simula pa man noon, isa na si Iya Villania at Drew Arellano sa mga kilalang TV hosts sa industriya ng showbiz at hanggang ngayon ay patuloy nilang pinapahanga ang kanilang mga manonood dahil sa patuloy na pagsikat ng kanilang TV shows.

Bilang isang sikat na couple, talagang updated ang kanilang fans sa bawat kaganapan sa kanilang buhay kaya nang ibinahagi ni Iya ang magandang balita sa Instagram, magkahalong emosyon ang naramdaman ng kanilang fans.

Credit: @iyavillania Instagram

Kumakailan lamang nang nagkaroon ng mahalagang seremonya ang kanilang pamilya kung saan ay ipinagdiwang nila ang paghahanda at pagpapatayo ng kauna-unahan nilang “family home”.

Makikita sa mga ibinahagi niyang larawan kung gaano sila kasaya dahil sa wakas, magkakaroon na rin sila ng sariling bahay!

“Today was a special day ❤️ a first for our family 🏡 Thank you, Lord 🙏🏼,” saad ni Iya na may kasamang “#Groundbreaking”.

Sa isa namang hiwalay na post ni Iya kung saan ay naka-tag ang kanyang asawa na si Drew Arellano, makikita ang couple na nakasuot ng hard hat at may bitbit pa na shovel.

Credit: @iyavillania Instagram

Kinagiliwan din ng netizens ang tatlo nilang mga anak na sina Primo, Leon, at Alana na katulad ng kanilang Mommy at Daddy ay nakasuot din ng hard hat at may hawak din na maliliit na shovels.

Hindi binanggit ng couple kung saan nila ipapatayo ang kanilang “dream house” pero ayon sa mga larawang ibinahagi ni Iya, mapapansing nasa medyo mataas silang lugar kung saan ay perpekto para ma-enjoy ang magandang tanawin ng siyudad.

Credit: @iyavillania Instagram

Ngayon na lumalaki na ang kanilang pamilya, talagang pinagsikapan ni Iya at Drew na magkaroon na ng “family home”. Kasama rin nila noon ang nanay ni Iya na si Mommy Elena at iilan pang mga kasambahay na kaagapay ng couple sa pag-aalaga sa tatlo nilang makukulit na mga anak.

Kilala mula pa man noong una bilang isang maganda at masayang pamilya, talagang walang duda na pupunuin nila ng pagmamahal ang bawat sulok ng ipapatayo nilang bahay.

Credit: @iyavillania Instagram

Talaga nga namang dream come true ang pagtahak ng mag-asawa at ng kanilang pamilya sa milestone na ito ng pagpapatayp ng bahay.
Nakaka-inspire kayo Drew at Iya!

Ysha Red

error: Content is protected !!