“Happy pill” at anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, ipinamalas ang kanyang talento sa pagkanta na may accompaniment pa!

“Happy pill” at anak ni Candy Pangilinan na si Quentin, ipinamalas ang kanyang talento sa pagkanta na may accompaniment pa!

“Joy, Joy, Joy, Joy” talagang tunay dahil muli na naman nakapagdulot ang anak ni Candy Pangilinan na si Quentin ng ngiti sa ating mga labi sa pagpapamalas niya sa kanyang talento sa pagkanta!

Sa pag-aakala nating wala ng mas isasaya pa sa tuwing napapanood natin ang pagsabak ni Quentin sa dance challenges sa Tiktok, muli na naman niya tayong pinabilib dahil hindi lamang pala siya magaling sa sayawan kundi ay pati na rin sa pagkanta.

Sa video na ibinahagi ng kanyang Mommy Candy kumakailan lamang, mapapanood ang presentation ni Quentin kung saan ay sumayaw at kumanta siya ng “I’ve Got Joy, Joy, Joy, Joy (Down in My Heart)” na may accompaniment pa!

“Finally nagawa na niya na merong accompaniment. Ang saya niya! Joy naman talaga!” Sulat ni Candy sa kanyang caption.

Sa kagustuhan ni Quentin na ma-perfect ang kanyang presentation, sinigurado talaga niyang tugma sa kanyang pagkanta ang accompaniment kaya pinaulit talaga niya ang keyboardist hanggang nag-sync nga ang tunog ng keyboard at ang kanyang boses.

Mula pa man noon, mapapansin talaga ang pagiging all-out ni Quentin sa tuwing sumasayaw kaya siyempre, hindi rin half-baked ang pagpapamalas niya sa kanyang talento sa pag-awit na sinabayan pa niya ng actions na punong-puno ng effort.

Sa muling pagbida ni Quentin sa kanyang talento, marami talaga sa kanyang fans ang nagpahayag ng kanilang positibong mga komento dahil sobrang jolly naman niya kasi.

“Great job Quentin! Keep it up!πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘”

“πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Quentin you are so cute”

“Napaka jolly naman ng anak mo πŸ₯°πŸ˜ GBU both”

“Ang galing-galing mo Quentin! πŸ‘πŸ‘πŸ‘πŸ‘ pwede ka na magturo ng action song πŸ₯°”

“Nice one QuentinπŸ₯°”

Sa performance na ito ni Quentin, matinding effort talaga ang kanyang ibinigay kaya hindi talaga kataka-taka kung bakit halos lahat ng mga manonood ay mapapasayaw at mapapasabay din sa kanta dahil tunay nga naman kasing nakakahawa ang pagiging lively at energetic niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Candy Pangilinan (@candypangilinan)

Ngayong nadiskubre ni Quentin ang kanyang talento sa pagkanta, ano na naman kaya ang madidiskubre niya sa susunod?

Ysha Red

error: Content is protected !!