“Hayati River Kamp”, bagong business venture ni Gerald Anderson

Nagsimula ang mag negosyo ang Kapamilya star na si Gerald Anderson taong 2019. Binuksan nito ang kaniyang unang gym, ang The Th3rd gym. Nagkaroon ng dalawang branch ang gym na ito na parehong makikita sa Quezon city. Taong 2020 naman ng buksan ni Gerald ang kaniyang Hayati private beach resort sa Botolan, Zambales.
Credit: @andersongeraldjr Instagram
Muling tumapak palabas ng kaniyang ‘comfort zone’ ang aktor ngayong taon ng itayo nito ang ‘expansion’ ng kaniyang resort sa Zambales. Tinawag niyang “Hayati River Kamp” ang kanyang bagong business. Ito ay isang camping site na makikita sa kanyang private resort. Binuksan sa publiko ang ‘Hayati River Kamp noong August 26.
Credit: @andersongeraldjr Instagram
Sa mga post ni Gerald sa kaniyang Instagram makikita ang mga larawan ng camp site. Pinasilip nito ang magagandang tanawin at istraktrua ng camping site. Andun din ang mga impormasyon, tulad ng numero kung saan pwede mag-book ang mga tao sa kanilang camp site.
Credit: @andersongeraldjr Instagram
Ayon sa aktor, ng pumasok ito sa showbiz ay hindi niya naisip na magiging businessman din siya. Nagpapasalamat naman si Gerald na may ganitong oportunidad itong natanggap kaya naka-focus ang aktor sa kaniyang negosyo ng sinimulan niya ito.
“Gusto ko na rin mag-focus sa mga businesses ko. Panibagong challenge din siya sa buhay ko. Kumbaga mula nung pumasok ako sa showbiz parang hindi ko naisip na maging businessman din. But I’m very grateful na may ganung opportunity ako.” sabi nito.
Positibong tinanggap ng aktor ang hamon ng negosyo nito. Kaya masaya ito na makita ang paunti-unting paglago ng kanyang business.
Credit: @andersongeraldjr Instagram
“Panibagong challenge siya sa buhay ko so it’s exciting. Hindi siya boring and parang siyang baby ko. Iba talaga pag tinayo mo talaga from wala. Tapos makikita yung progress niya, parang yung sa gym na gumaganda yung katawan, mas masaya sila, mas motivated sila, parang yun yung fulfillment ko as a gym owner. And dun sa resort naman, outlet din siya sa mga taong humiwalay sa Maynila, sa mga trabaho nila and they can also relas,” saad nito sa Rogin-E #StaminaForMen event.
Credit: @andersongeraldjr Instagram
Isa lang si Gerald Anderson sa mga artista na sumubok at humarap sa hamon ng mundo ng business. Marami ring artista ang tumahak at natagumpay sa kani-kanilang negosyo.