Heart Evangelista, ibinida ang kanyang classy artista van!

Sa ating pagkakakilala kay Heart Evangelista, masasabi na talaga natin na kaakibat ng kanyang pangalan ay ang mga salitang classy at elegant dahil mula sa kanyang outfit, accessories, at mga bagay na kanyang pag-aari ay sinisiguro lang naman niyang aesthetic at pleasing sa mata ang lahat kaya marami talaga sa atin ang hulog na hulog sa style ng nag-iisang Heart!
Credit: Love Marie Escudero YouTube
Kung style lang naman sa fashion ang pag-uusapan ay tiyak na panalong-panalo na si Heart Evangelista dahil sinisiguro lang naman niyang perfect sa bawat occassion ang kanyang outfits. Sa katunayan, kahit simple lamang ang suot ay napapamukha pa rin niya itong classy dahilan kung bakit marami talaga ang nahuhumaling sa Pinay fashion icon.
Dahil sa matinding pagmamahal ni Heart sa fashion, hindi talaga kailanman nawawala ang kanyang pangalan sa guests ng iilang sikat na fashion shows pero mukhang hindi lamang limited sa mga damit, bags, mga sapatos, at accessories ang yayamaning taste ng aktres dahil sumasalamin din sa kanyang aesthetic na vibes ang design sa latest niyang van!
Credit: Love Marie Escudero YouTube
Matapos ang walang humpay na pangungulit ng fans ni Heart na magkaroon na ng “artista van tour,” sa wakas ay bumigay na ang aktres at kumakailan nga ay ibinida na sa kanyang vlog ang kanyang van o kung tawagin niyang “fourth home”.
Sa unang tingin ay aakalain talaga ng karamihan na isa lamang simple at ordinaryong Mercedes-Benz Sprinter ang bagong biling van ni Heart pero ginulat ng aktres ang lahat nang ipinasilip niya ang loob nito dahil maliban sa complete na mga gamit ay masasabi talaga na reflection sa kanyang personality at taste ang design ng kanyang artista van.
Sa pagbukas pa lamang ay sasalubong na ang dalawang luxurious na seats ng van na may built-in heat na ayon kay Heart ay sobrang bet niya dahil madali umano siyang manlamig.
Credit: Love Marie Escudero YouTube
At dahil madalas na mahaba ang byahe, essential talaga ang pagkakaroon ng TV dahil habang nagre-relax sa kanyang chair, nag-eenjoy din si Heart sa panonood sa kanyang paboritong TV shows.
Sa likod naman ay ang kanyang maliit na living room kung saan ay may minimalist na vanity mirror kung saan siya pwedeng mag-retouch. Of course, hinding-hindi rin mawawala ang closet ni Heart kung saan niya inilalagay ang kanyang extra na mga damit.
Credit: Love Marie Escudero YouTube
Marami na tayong nasilip na mga artista van pero tila’y kakaiba talaga kay Heart dahil tila’y sumasalamin lang naman ito sa kabuuan ng kanyang personality–classy at stylish!