Heart Evangelista, sobrang happy sa kanyang bagong investment na condo unit

Heart Evangelista, sobrang happy sa kanyang bagong investment na condo unit

Aminado man na mahilig sa mamahaling mga bagay, sinisiguro naman ni Heart Evangelista na may napupuntahan ang kanyang pera sa pamamagitan ng magagandang investments katulad na lamang ng bago niyang na-acquire na property sa Ortigas.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Noon pa man, kilala na talaga si Heart sa kanyang amazing na sense sa fashion. Kahit na’y simple lamang ang suot, talagang sinisiguro ng aktres na naaayon ito sa kanyang style dahilan kung bakit palagi siyang center ng attention at kung bakit marami sa netizens ang nag-aabang sa kanyang bawat update.

Sobrang famous dahil sa kanyang fashion sense, maraming endorsements si Heart. Isa na nga sa mga ito ay mga sikat at mamahaling brands. Of course, hindi lamang limited sa mga damit, shoes, jewelry at accessories ang exemplary na taste ng aktres dahil reflection din ng kanyang style at personality ang kanyang properties katulad na lamang ng kanyang bagong condo na ipinasilip niya sa ibinahaging vlog kumakailan lamang.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Sa pagha-handle ng pera, kailangan talaga nating maging wise at smart. Hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan kung gaano kagusto ni Heart mangolekta ng expensive at branded na mga gamit ngunit sinisiguro naman niya na nakakapag-invest pa rin siya. Isa na nga sa kanyang latest investment ay ang condo niya sa Ortigas.

“Adulting is definitely happening these days and I have been investing my hard-earned money and I am so excited because I am about to jump in a Zoom, and we are going to plan my latest investment,” pahayag ng aktres sa unang bahagi ng vlog.

Maliban sa excitement dulot ng kanyang bagong investment, hindi rin mapakali si Heart dahil sobrang hands-on umano siya sa progress at evolution ng kanyang condo sa tulong ng kanyang inaasahang designers.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Nang natapos ang renovation sa bagong condo, kaagad itong binisita ng aktres kung saan ay pagpasok pa lamang niya ay kaagad siyang humanga sa kagandahan ng kabuuang lugar. Halos hindi naman niya mapigilan ang sarili na ma-excite dahil talagang fit sa kanyang imagination at expectations ang resulta.

Makikita naman sa vlog na mula ceiling hanggang pader ay kulay puti ang pintura. Upang hindi masyadong bland at flat tingnan, sinigurado ng kanyang designers na lagyan ng iba pang accent at textures na talaga namang nag-complement sa overall na design ng lugar.

Credit: Love Marie Escudero YouTube

Maayos din na nabalanse ang bawat corner mula sa sala, kitchen, hapagkainan, at bedroom. At dahil sobrang busy ni Heart lalo na’t marami siyang projects at collaborations, sinigurado ng kanyang designers na mas malaki ang space ng kanyang office.

Ysha Red

error: Content is protected !!