Heart Evangelista, sumasabak sa kanyang priorities sa Milan habang on peak ang kanyang fashion style!

Heart Evangelista, sumasabak sa kanyang priorities sa Milan habang on peak ang kanyang fashion style!

Sa tuwing binabanggit ang pangalan ni Heart Evangelista, kaakibat talaga niya ang mga salitang classy, elegant, stylish at iba pang mga salita na kaugnay nito dahil isa lang naman siyang literal na embodiment ng fashion!

Credit: @iamhearte Instagram

Kahit na’y hindi man masyadong maalam sa mundo ng fashion, pamilyar talaga para sa karamihan sa atin ang prestihiyosong fashion week sa Milan kung saan ay imbitado ang mga sikat na mga designers, artista, modelo, at fashion icons sa iba’t-ibang bahagi ng mundo at kabilang na nga sa mga ito ay si Heart Evangelista na tila’y pambato ng Pinas kapag fashion ang pinag-uusapan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte)

Bagama’t busy man sa paghahanda para sa nalalapit na Milan fashion week, matagumpay pa rin na nasisingit ng aktres ang kanyang priorities katulad na lamang ng paggo-grocery. Kung simpleng outfit damit lamang ang ating suot kapag pumupunta sa supermarket ay kakaiba naman si Heart dahil sinisiguro lang naman niyang extra at agaw-pansin talaga ang kanyang OOTD at ginagawang sariling runway ang hallways sa supermarket!

Credit: @iamhearte Instagram

Kahit na’y malayo ngayon sa kanyang Pinoy fans, patuloy pa rin sa pagbibigay ng update ang aktres at ang talagang inaabangan ng karamihan ay ang OOTD ni Heart. Bagama’t hindi naman mabilang ang mga pagkakataon na napapabilib niya tayo sa kanyang fashion style, tila’y wala namang nakapaghanda sa outfit niya habang nasa supermarket at namimili ng grocery dahil nakasuot lang naman siya ng sage na silk suit at tassel-flared na slacks na gawa ni Collini Milano.

“But first daan muna sa grocery,” sulat niya sa kanyang caption kalakip ng mga larawang ibinahagi niya sa Twitter.

Credit: @iamhearte Instagram

Sa pag-aakala ng karamihan na dito lamang natatapos ang pagiging extra ni Heart, muli na naman niyang pinatunayan na isa nga siyang fashion icon dahil kahit nahihirapan sa pagbibitbit ng pinamili niyang grocery habang nakasuot ng kulay pulang robe at naka-heels pa, matagumpay pa rin niyang napanatili ang kanyang composure at eleganteng naglakad sa streets ng Milan.

Credit: @iamhearte Instagram

Of course, bilang isang TV personality, hindi talaga naiiwasan ng aktres na makatanggap ng negatibong mga komento kung saan ay ang pag-aakala ng iilan na nagmamalaki lamang siya sa mamahalin niyang OOTDs at accessories pero nasa harap o likod man ng kamera ay matagal na namang napatunayan ni Heart na genuine ang pagmamahal niya sa fashion at simple lamang niyang ini-express ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng kanyang fashion style. Sa katunayan, ito nga ang dahilan kung bakit mas marami ang humahanga at nagmamahal sa Pinay fashion icon.

Ysha Red

error: Content is protected !!