Herlene Budol, abot langit ang pasasalamat sa manager para sa bagong bahay niya

Isang magandang balita ang binahagi ni Herlene Budol kilala bilang “Hipon girl” sa kanyang YouTube channel at ito ay ang bago niyang bahay.
Credit: Herlene Budol YouTube
Sabik na pinost ni Herlene ang isang video vlog sa kanyang YouTube channel. Ang video ay tungkol sa pagkamit sa isa sa mga pangarap niya at ito nga ay magkaroon ng sarili niyang bahay.
Labis niyang pinasalamatan ang kanyang mga tagasuporta at pamilya sa vlog. Ngunit sa matinding kalungkutan dahil sa pagkawala ng kanyang lola, hindi naiwasan ni Herlene ang maging emosyonal. Isa sa mga rason ni Herlene ang kanyang lola at lolo kaya ito’y nagsusumikap sa buhay.
Credit: Herlene Budol YouTube
“Magkakabahay na tayo, Nanay. Nay, gusto kita mapanaginipan. Gusto kita makita ulit,” emosyonal niyang sinabi.
Nabanggit din ni Herlene na napanaginipan niya ang kanyang lola.
“Napanaginipan ko si Nanay ngayon. Hindi siya nagsasalita. Nakangiti lang siya,” sabi niya.
Iyon din ang araw na bibilhin ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino ang bago niyang bahay.
Credit: Herlene Budol YouTube
Matatandaan na sumali si Herlene sa isang Beauty pageant, ang Binibining Pilipinas at nanalo ito bilang first runner up at humakot ng pitong special awards. Isa sa mga rason ni Herlene sa pagsali sa Bb. Pilipinas ay ang pangako ng manager nito na siya’y bibilhan ng bahay.
“Sino ba namang tanga na hindi papayag do’n? Praktikal na tayo. ‘Di naman kami mayaman,” ayon kay Herlene.
“Wala kaming kisame, mainit, magulo ‘yung bahay namin (ngayon).” dagdag nito.
Credit: Herlene Budol YouTube
Bagamat hindi forte ni Herlene ang beauty pageant, buong puso niyang pinag-aralan at pinaghirapan ang lahat ng nakamit na tagumpay. Makikita na ang pagsusumikap ni Herlene sa buhay ay unti-unti ng napapalitan ng magagandang biyaya at may sariling bahay at kotse na siya.
Bukod sa mga materyal na blessing ay isa din sa magandang nangyari sa kanya ay ang kanyang pagtatapos sa kolehiyo.
Nagsimula bilang co-host sa programang Wowowin si Herlene kung saan ay sumikat siya sa palayaw na Hipon Girl. Mula sa kanyang humble beginning ay maraming hindi inasahan na magiging isa siyang beauty queen.
Ang nakakatawang personalidad at labis na pagamamahal nito sa pamilya ang siyang bumihag sa kanyang mga tagasuporta. Minamahal ng marami si Herlene dahil sa totoo nitong pagkatao.