Herlene Budol, natupad na ang pangarap na masuot ang Darna costume!

Herlene Budol, natupad na ang pangarap na masuot ang Darna costume!

Happy birthday Herlene Budol!

Sapat na ang simpleng handa at ang presence ng mga mahal natin sa buhay sa tuwing sumasapit ang ating kaarawan ngunit kakaiba pa rin talaga sa pakiramdam kapag ginagawa nating extra ang celebration katulad na lamang ni Herlene Budol na hindi lamang mismong party ang bongga dahil pati ang kanyang outfit ay pak na pak rin!

Credit: @herlene_budol Instagram

Dahil sa kaliwa’t kanang opportunites at projects na natatanggap ngayon ni Herlene Budol, masasabi talaga na hindi lamang sa pagiging isang komedyante umiikot ang kanyang mundo dahil patuloy lang naman siya sa pag-eexplore sa iba pa niyang kakayahan katulad na lamang sa pagsabak niya sa mundo ng pageantry.

Matapos ang matunog na win ni Herlene sa Binibining Pilipinas kung saan ay itinanghal siya bilang first runner-up at sa kanyang hakot awards na moments, mas nagiging busy pa ngayon ang comedienne-beauty queen kaya nang sumapit ang kanyang ika-23 na kaarawan kumakailan lamang, wala talaga siyang pinalagpas dahil kasama ang kanyang mga mahal sa buhay, all-out talaga ang kasiyahang naganap sa nasabing party.

Credit: @herlene_budol Instagram

Maliban sa bonggang handaan at sandamakmak na guests na invited sa celebration ng birthday ni Herlene, highlight din sa event ang naging outfit niya kung saan ay nag-ala Darna lang naman siya!

Sa mga larawan at videos mula sa party ni Herlene na ibinahagi ng iilang guests sa social media, makikitang ibinida talaga ng komedyante ang kanyang Darna costume habang rumarampa at nagpe-perform sa kanta niyang “Gandang Hipon”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Herlene Nicole Budol (@herlene_budol)

Sa post ni Herlene sa Instagram, ibinahagi niya sa netizens ang kanyang Darna look. Mula sa buhok, headpiece, wristband hanggang boots, kopyang-kopya talaga ng beauty queen ang idol niyang si Marian Rivera noong siya’y si Darna.

Credit: @herlene_budol Instagram

“Ding ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng @gmanetwork na naging Darna noon,” pahayag ni Herlene sa unang bahagi ng kanyang caption.

Pagbabahagi pa ni Herlene, matagal na umano niyang pangarap na makapagsuot ng Darna costume. Of course, sino ba naman kasi ang hindi nagkaroon ng ganitong klaseng dream noon? Super sikat lang naman ng Pinay superheroine!

Credit: @herlene_budol Instagram

“Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan,” sabi pa niya.

Ngayong “dream come true” na ang matagal niyang kahilingan na Darna look, mas naging doble pa ang kasiyahang nararamdaman ni Herlene. Kung sa showbiz ay patuloy na pinapalawig ang kanyang pangalan, patuloy naman sa paglipad tungo sa kanyang mga pangarap ang Darna version ni Herlene Budol!

Ysha Red

error: Content is protected !!