Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl, naging emosyonal nang makuha ang pinakauna niyang sasakyan

Herlene Budol o mas kilala bilang si Hipon Girl, naging emosyonal nang makuha ang pinakauna niyang sasakyan

Bilang isang celebrity, naiisip talaga ng karamihan sa atin na super dami ng opportunities at pera ang natatanggap at kinikita nila pero may iilan sa kanila na naghihirap din financially at isa na nga sa mga ito ay si Herlene Budol o mas kilala bilang si “Hipon Girl”.

Credit: Herlene Budol YouTube

Simula nang nagkaroon ng p@ndemya, maraming projects ang natigil at marami rin ang nawalan ng opportunities kaya talagang naghirap ang naapektuhang celebrities. Kung ang iba’y nagdesisyon na mag-open ng business, marami naman sa kanila ang malapit nang maubusan ng pera. Matatandaang Hulyo noong nakaraang taon nang ikinuwento ni Herlene sa Toni Talks ang kanyang struggles at dumating pa nga sa puntong nahihiya na siyang ipakita ang sarili sa kanyang pamilya.

“Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa point na parang ayoko na. Ayoko nang magpakita sa pamilya ko. Nahihiya ako,” pagtatapat niya.

Credit: Herlene Budol YouTube

Dagdag pa ni Herlene, “Back to zero kami. Walang wala na talaga, kahit hanggang ngayon, wala na talaga akong pinagkukunan ng pera. Kasi sa kin nga umaasa buong pamilya ko, dati pagkain lang, pero ngayon pati kuryente sa ‘kin.”

Hindi naman nagtagal, lumipas din ang panahon na ‘yun na punong-puno ng struggles at dahil sa determinasyon niyang makabangong muli at sa tulong ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino at fans na walang-sawa na sumusuporta sa kanya, nagawa naman ni Hipon Girl na mag-bounce back.

Bilang isang ‘bread winner’ ng pamilya, talagang inuuna ni Herlene ang lahat ng pangangailangan ng kanyang mga magulang at mga kapatid pero ngayong nakapag-ipon na ng sapat upang makabili ng bagay para sa sarili, sobrang happy ni Hipon Girl sa katotohanang may sarili na siyang car ngayon.

Kumakailan lamang nang nagbahagi ng vlog si Herlene sa Youtube kung saan ay mapapanood kung paano siya naging emosyonal matapos mabili ang isang kulay pulang Toyota na sasakyan.

Credit: Herlene Budol YouTube

Ayon sa comedienne, halos hindi siya makapaniwala na may sasakyan na siya ngayon, isang pangarap na akala niya’y hinding-hindi niya maa-achieve.

“Hanggang ngayon indi ako mapaniwala sa pangyayari mga KaSquammy…Dream come true at para akong nanaginip 😭😭😭,” sulat ni Herlene sa kanyang caption kalakip ng isang larawan na ibinahagi niya sa Instagram kasama ang kanyang manager habang makikita naman sa kanilang likod ang kanyang bagong biling car.

Credit: Herlene Budol YouTube

Marami naman tayong napapanood na vlog tungkol sa isang celebrity na nagpu-purchase ng bagong car, hindi pa rin tayo nasasanay lalo na’t alam nating lahat na dugo’t pawis ang ibinuwis nila para lamang ma-achieve ang ganitong bagay at para kay Hipon Girl ay ang kauna-unahan niyang sasakyan!

Ysha Red

error: Content is protected !!