Herlene Budol, puspusan ngayon ang paghahanda para sa Binibining Pilipinas

Walang bagay na hindi nagagawa si Herlene Budol lalo na’t buo na ang kanyang puso’t isip sa gagawin dahil ngayon, hindi lamang siya aabangan ng karamihan bilang si “Hipon Girl” na palaging naghahatid ng kasiyahan at katatawanan dahil isa lang naman siya ngayon sa contestants sa Binibining Pilipinas!
Credit: @herlene_budol Instagram
Hindi naging madali ang karanasan ni Herlene Budol bilang isang celebrity dahil sa pagdating p@ndemya, isa siya sa mga taong nawalan ng opportunities at projects pero dahil sa pagiging optimistic niya, nagawa naman niyang makaahon sa lahat ng problemang pinagdadaanan at ngayon ay labis na pinagsisikapang maka-recover.
Kung noon ay si Herlene o “Hipon Girl” ang naghahabol upang magkaroon ng projects, opportunities na mismo ngayon ang kumakatok sa kanyang pinto kaya nang hinikayat ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na sumali sa Binibining Pilipinas, walang pag-aalinlangan itong tinanggap ni Herlene at ngayon ay isa na nga sa contestants na pinakaaabangan ng karamihan.
Credit: @herlene_budol Instagram
Sa isang interview kasama si Karen Davila, inamin ni Herlene na sasali siya sa Binibining Pilipinas at bilang paghahanda para sa nasabing pageant, kasalukuyan siya ngayong sumasailalim sa matinding training at practice.
At dahil hindi naman purong pasiklaban ng ganda at rampa ang Binibining Pilipinas, talagang pinagsisikapan ni Herlene ang intelektwal niyang aspeto.
“Utakan po. ‘Yun po iyong idinadagdag nila sa akin kasi wala po akong konting knowledge about sa kung ano… sa communication tapos English lang. Walang Tagalog-an,” kuwento ni Herlene.
Of course, kailangan din na mas pagbutihin pa ni Herlene ang kanyang pagrampa.
Credit: @herlene_budol Instagram
“Tapos walking po ganyan. Kung paano dalhin ‘yung heels kasi dati, nakalimutan ko na siyang dalhin. Natutumba na po ako,” sabi ng comedienne.
Of course, bilang isang komedyante, marami ang nagsasabi na hindi seryoso si Herlene sa pagsali sa Binibining Pilipinas pero ayon sa kanya, hindi umano simpleng practice o para maka-gain lamang ng experience ang layunin niya dahil determinado talaga siyang manalo.
Credit: @herlene_budol Instagram
“Sobra po. Gusto ko rin pong i-improve ‘yung sarili ko,” saad ni Herlene.
Dagdag pa niya, “Manalo na po. Siyempre, lahat ng gustong sumali dun ay gusto pong manalo.”
Marami man ang nagsasabi na hindi “deserve” ni Herlene ang opportunity na ito, malaki naman ang tiwala niya sa kanyang sarili. Imbes na patunayan sa kanyang bashers na kayang-kaya niyang makipag-compete sa Binibining Pilipinas, gusto ni “Hipon Girl” na may mapatunayan muna siya sa kanyang sarili.
Nais ni Herlene na sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas, marami umano ang ma-inspire na mga katulad niya na sa kabila ng lahat ng pagdududa, may mapapatunayan pa rin ang lahat basta ba’y determinado lamang.