Herlene “Hipon Girl” Budol, mangiyak-ngiyak na ikwenento ang kahirapan na naranasan mula nang mawalan ng trabaho sa showbiz

Herlene “Hipon Girl” Budol, mangiyak-ngiyak na ikwenento ang kahirapan na naranasan mula nang mawalan ng trabaho sa showbiz

Umaasa na lamang ngayon sa simpleng pagraraket sa social media si ‘Hipon Girl’ o Nicole “Herlene” Budol pagkatapos niyang mahinto sa trabaho bilang host ng “Wowowin.” Ito ang inamin ni Herlene nang makapanayam siya ni Toni Gonzaga sa programa nitong “Toni Talks.”

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Ayon kay Herlene, simula nang mawalan siya ng trabaho sa showbiz sa kanyang naipong pera mula sa pagho-host sa programa na lamang sila umaasa ng kanyang pamilya noong kasagsagan ng l0ckdown.

Pag-amin ni Herlene, umabot sa P100,000 ang kanyang ipon ngunit ang lahat ng ito ay naubos din umano. Kaya naman ngayon, “back to zero” raw sila ng kanyang pamilya.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

“Buti nga nag-ipon ako, kung hindi wala, p@tay na kami ng pamilya ko dahil sa p@ndemic na ‘to…Siyempre, buong angkan ko, sa akin [nakaasa],” paglalahad ni Herlene.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Dagdag niya, “Na-anx!ety ako. Umiiyak ako araw-araw. Dumating ako sa puntong parang ayoko na…Ayoko nang magpakita sa pamilya ko kasi nahihiya ako.”

Sa puntong ito ng panayam, tila hindi ang masayahing Herlene ang napanood ng mga netizen nang bumuhos ang kanyang luha habang ibinabahagi ang hirap na pinagdadaanan niya bilang breadwinner ng kanyang pamilya.

Ani Herlene, “Back to zero kami. Walang-wala na talaga. Kahit hanggang ngayon, wala na ulit akong pinagkukunan ng pera talaga kasi sa akin lahat umaasa talagga ang pamilya ko. Dati pagkain lang, ngayon pati kuryente sa akin na eh.”

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Inamin naman ni Herlene na nagkamali siya dahil naging kumpiyansa siya sa pag-aakalang magkakaroon pa siya ng raket sa showbiz pagkatapos ng Wowowin.

“Hindi rin ako makapag-reklamo kasi hindi lang naman po ako ‘yung natamaan talaga. Kasi naging kampante din po ako, naging parang mali din po ako…Akala ko may pagkukunan pa ako pagkatapos ng Wowowin, wala po talaga,” ani Herlene.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Dahil nga sa kanyang mga pinagdaanan, napagtanto ni Herlene na hindi panghabambuhay ang showbiz.

Aniya, “Totoo ‘yung sinasabi, hindi habambuhay yung sa TV ka. Dalawang taon pa lang ako, tingnan mo, wala na kaagad. Ang hirap…”

Sinabi naman ni Herlene na labis ang kanyang pasasalamat sa YouTube star na si Alex Gonzaga dahil tinulungan siya nitong mag-umpisa sa pagba-vlog. Ngunit nilinaw ni Herlene na kahit nagsimula na siyang mag-vlog, hindi pa niya natatanggap ang kanyang suweldo mula sa YouTube.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Sa kabilang banda, ikwenento ni Herlene na sa ngayon isa ang social media sa mga nakatulong sa kanya para kahit papaano ay kumita ng pera.

“‘Pag may raket po, nagpapa-post, nag arepapa-TikTok, doon na lang po ako bumabawi, kasi ‘pag wala po yun wala na po akong pagkukunan,” saad ni Herlene.

Credit: Celestine Gonzaga-Soriano YouTube

Samantala, nangako naman ang TV host-vlogger na si Toni na lahat ng kikitain o proceeds ng kanyang vlog ay mapupunta kay Herlene.

Ysha Red

error: Content is protected !!