Ilang celebrities at influencers, nagpaabot ng tulong sa 80-anyos na matandang naakusahan at nakulong kamakailan lang

Abala man sa kani-kanilang busy na araw-araw, nakakaabot pa rin sa iilang sikat na personalidad ang mga nakakalunos na balita tungkol sa kapwa nilang labis na nangangailangan ng tulong.
Credit: Asingan PIO Facebook
Sa napakaraming sikat at kilalang artista sa mundo ng showbiz, sinu-sino nga ba sa kanila ang nakaramdam ng labis na awa at nagpaabot ng tulong kay Lolo Narding na nakulong dahil sa ‘pagnanakaw’ umano ng mangga?
Isa si Ryza Cenon sa mga sikat at successful na aktres sa mundo ng showbiz ngayon at bagama’t busy man ngayon, hindi pa rin nakakaligtas sa kanyang pandinig ang iilang isyu ngayon na talagang nangangailangang bigyan ng atensyon katulad na lamang ng matandang viral ngayon sa social media dahil sa natanggap niyang akusasyon sa ‘pagnanakaw’ ng 10 kilong mangga.
Credit: @iamryzacenon Instagram
Ayon kay Lolo Narding Floro, siya umano ang nagtanim sa punong pinitasan niya ng mangga kaya ganoon na lamang ang gulat ng matanda nang inaresto siya ng pulisya at ipinakulong sa kasong pagnanakaw.
Dahil sa kalunos-lunos na pangyayari kay Lolo Narding, hindi naiwasan ni Ryza na makaramdam ng awa kaya wala siyang pag-aalinlangang nakipag-coordinate sa Asingan Police at nag-volunteer na siya na ang sasagot sa piyansa ng matanda na nagkakahalaga ng P6,000.
Maliban kay Ryza, todo rin ang batang aktres na si Andrea Brillantes sa pagbabahagi ng impormasyon sa Instagram tungkol sa ongoing na kaso ni Lolo Narding.
Credit: @blythe Instagram
“Grabe naman bakit ganyan.. 💔,” madamdaming sulat ni Andrea sa caption ng ibinahagi niyang balita tungkol sa matanda. Patuloy din siya sa pag-uudyok sa kanyang kapwa celebrities at followers na tulungan si Lolo Narding.
Samantala, nagpahayag din ng concern ang influencer na si Xian Gaza para kay Lolo Narding.
Credit: Asingan PIO Facebook
Sa pinakabago niyang post, diretsahan siyang nagpaabot ng mensahe sa taong nagsampa umano ng kaso sa matanda dahil lamang sa pagpitas nito ng mangga.
Samantala, pinanindigan naman ng vlogger na si Shewin Lim ang pangako niya sa matanda at nito lamang araw nang tuluyan nang nakalaya si Lolo Narding.
“Wala ng intro2 Heto na ang pinangako ko sainyong lahat!! Nakalabas na si lolo narding floro!!🥺😭👴” balita ni Shewin kalakip ng ibinahagi niyang mga larawan ng matanda at sa mga supporters nito.