Ilang celebrity mommies, excited sa pagbabalik eskwelahan ng kanilang mga chikiting

Ilang celebrity mommies, excited sa pagbabalik eskwelahan ng kanilang mga chikiting

Sa mahigit na dalawang taon, sa wakas makakabalik na rin ang mga estudyante sa face-to-face class. Habang patuloy ang pagbaba ng C0vid cases sa ating bansa, unti unti na ring bumabalik sa normal ang mga buhay ng mga netizens.

Credit: @annecurtissmith Instagram

Para sa mga estudyante, guro at mga magulang, ngayong taon ay kapana-panabik. Marami sa mga ito ay nagshare ng mga nangyari sa unang araw ng pasok sa socal media. Syempre hindi nagpahuli ang ating mga celebrity mom.

Nangunguna ang ating first time mom na si Anne Curtis sa mga sabik sa first day of school ng kanyang chikiting. Sa post nitong video sa Instagram, binahagi niya ang napakacute na OOTD (outift of the day) ng kanyang anak na si Dahlia sa unang araw nito sa school. Ito’y nakasuot ng black at white dress, bitbit ang kanyang pink na bag. Sinabi rin ng aktres na labis ang tuwa ni Dahlia sa kanyang unang araw.

“My little school girl. All done with her first day & she had so much fun,” sabi nito.

Napaka-productive naman ng unang dalawang linggo sa school ng panganay na anak ni Bianca Gonzalez na si Lucia, sa kaniyang school. Binahagi rin ng TV host / actress ang mga larawan nilang mag-ina

Credit: @yasmien_kurdi Instagram

“First two weeks of school photo dump,” saad nito.

Maraming magulang naman ang nakarelate sa video post ni Yasmien Kurdi. Sa video kasama ang kanyang asawa na si Rey Soldevilla Jr., napapasayaw ang mga ito habang naglalakad papalayo ang kanilang anak na si Ayesha papasok sa kaniyang school. Biro ng mag-asawa na sa wakas mahihinto na ang kanilang pagiging teacher.

“Resign na kami sa pagiging teacher! 😊Haaay Salamat 😅 BACK-TO-SCHOOL NA! “ sey ni Yasmien sa post.

Sa post naman ni Judy Ann Santos, emosyonal niyang ibihagi ang unang araw sa school ng anak nitong si Luna. Masaya naman ito na makakabalik na ang mga bata sa eskwelahan at ma-experience na rin nila ulit ang face-to-face class.

Credit: @officialjuday Instagram

“First day of school for our little bunny.. first day for all of us after 2 1/2 years of online schooling… nakaka sepanx ng sobra!! but.. im happy and excited for all the kids to be able to attend classes with a bit of normalcy..” sabi niya.

Pinasalamatan din ni Judy ann Santos ang magigiting na guro na labis na naapektuhan sa mahigit na dalawang taong online class.

“Thank you to all our hardworking teachers, for doing everything to make this happen,” pasasalamat ng aktres.

Ysha Red

error: Content is protected !!